VI. TWO IN ONE
(-ASHANA-)
Gising na. Buhay ka. Buhay tayo.
Narinig ko na naman ang boses ng babaeng ‘yon sa isip ko. I opened my eyes. Hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan ko.
Nasaan ako? naisip ko.
Sa bahay ni JR. Iniligtas niya tayo.
I was surprised to hear a woman’s voice in my head again, answering my own thought.
Bigla rin akong napatingin sa salamin, kahit alam ko namang hindi ako ang nagkontrol ng sarili kong katawan. Someone seemed to be controlling my own body.
Maganda ka pala… maganda ako, ang sabi ng boses.
Shut up! saway ko sa boses na naririnig ko sa isip ko.
Nababaliw na ba ako at kinakausap ko na ang sarili ko?
Nagugutom na ako, sabing muli ng boses.
Nagugutom na rin ako nang mga sandaling ‘yon, pero hindi ako pwedeng kumain hangga’t hindi ko napapatahimik ang boses na iyon.
Pwede bang manahimik ka na? Ikaw ‘yon! Ikaw ang boses na narinig ko, kaya ako tumalon sa bintana! You made me jump out of the window!
I’m sorry! Akala ko, isa ka ring Leaper… kagaya ko, sagot ng boses.
Sino ka ba? muling tanong ko sa isip. At nasaan ka? Bakit kita naririnig sa isip ko?
Someone saved my soul and put it in your head. So I’m here. In your head. That’s why you could hear what I’m thinking, and I could also hear what you’re thinking.
What? Someone’s soul is in my head?
Oo. Ako. Kaya pwede ba itigil mo muna ang pag-iisip? Alam kong gutom ka na, gutom na rin ako, utos ng boses sa isip ko.
I couldn’t believe what I just heard. Boses nga ba ng isang kaluluwa ang boses na naririnig ko? Is that even possible to put someone’s soul in a person’s head?
Go. Gisingin mo na si JR at humingi ka na ng pagkain.
I hate it when the voice orders me.
Itigil mo na ang pagsasabi sa akin ng mga dapat kong gawin. Katawan ko ‘to. Ako ang magdedesisyon kung ano ang tamang gawin.
The voice in my head stopped talking back.
Nakita ko ang natutulog na si JR na nakasalampak sa silya.
“Partner…” panggigising ko sa kanya. Agad siyang dumilat.
“Asha!” bulalas niya. “Buti naman okay ka na… akala ko hindi ka na…” napailing na sabi niya.
“Wala na bang masakit sa ‘yo?” muling tanong ni JR.
Wala, naisip ko, pero may naririnig akong boses sa isip ko…
“Walang masakit. Nagugutom lang ako,” sabi ko kay JR.
Saglit siyang natigilan, bago muling nagsalita.
“Um… hindi kasi safe na lumabas ka eh. Ano ba’ng gusto mo? Ibibili na lang kita…” sabi niya.
Nakatawag-pansin sa akin ang papel na nasa ilalim ng upuan niya. Listahan iyon ng mga pangalang na-rewind niya. “Ano na nga pala ang nangyari sa kasong ‘to?” naitanong ko.
“Wala pa ring linaw,” sagot niya. Bumili siya ng makakain. Pagbalik niya, isinalaysay niya sa akin kung bakit delikadong lumabas ako. Delikado raw ang buhay ko kay Erno. He showed me why. Hinubad niya ang suot niyang T-shirt. Hinawakan niya ang kamay ko, habang hawak-hawak niya ang hinubad na T-shirt. Isang nakakagimbal na eksena ang na-rewind.
It almost tore me to pieces. Ako ang nasa eksenang ‘yon! Ako ang pumatay sa kaawa-awang babae. Ako ang kumain sa mga laman niya! I cried in agony. I didn’t do it! Bakit ganito ang eksenang narerewind? Hindi! Hindi ako ang pumatay! Hindi ako mamamatay-tao!
JR stopped rewinding.
“Hindi ako! Hindi ako ang pumatay!” umiiyak na sabi ko.
Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa nasaksihang eksena.
“Asha, relax…” pagpapakalma ni JR. “Kamukha mo nga ang pumatay kay Fille, pero hindi ibig sabihin na ikaw ‘yon. “You didn’t do it, right?”
Umiling ako.
“Maybe… someone just used your body. Ipis nga hindi mo kayang patayin, tao pa kaya? But I can’t blame Erno. Minahal niya ng sobra si Fille. Kaya hindi ka muna niya pwedeng makita sa ngayon. Baka mapatay ka pa niya!”
Isinalaysay niya sa akin kung sino si Erno. Ito pala ang lalaking palagi kong nakikita ng madalas. Yung madalas mag-emo.
Kaya pala. Kaya pala palaging malungkot ang Erno na ‘yon. Namatayan pala siya ng minamahal kung kailan naman nakatakda na silang ikasal…
I know what I should do now. I should make him happy.
No. He is mine! I heard a woman’s voice in my head again.
-Shut up! inisip ko.
“Hindi pwedeng mangyari ang gusto mo. Member din ako ng CMG diba? Siya ang dapat magkontrol sa emosyon niya. Kahit buksan pa niya ang puso ko, malinis ang konsensya ko. Wala akong kinalaman sa pagpatay sa girlfriend niya. At ako si Ashana, hindi si Anette,” pahayag ko kay JR.
“I know. But he’s hurting, Asha. Hindi natin alam kung ano ang pwede niyang magawa,” sabi ni JR.
“Pero nandiyan ka naman diba? Atsaka si Lou. Hindi niya ako hahayaang masaktan,” sabi ko.
“Si Lou? Kung nakita mo lang ang itsura ni Lou nang makita niya kung pa’no pinatay si Fille… It’s just me you’re stuck with, Asha. Huwag ka ng choosy.”
“I wanna help you. And if you’ll not protect me from either Erno or Lou, I could protect myself, you know,” I told him.
“Oo na, sige na. Protektahan na kung poprotektahan. Wag ka na ngang pa-you know you know. Para ka ng si Manny Pacquiao, you know?”
---
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...