XVII. ADVANCE TRAINING
Nagtungo muli ang mga miyembro ng CMG sa rooftop.
“Ipagpatuloy natin ang paghahanda,” sabi ni Erno. “Pero bago tayo magsimula, gusto ko munang makita ang natutunan niyo sa copying.”
Walang isa man sa grupo ang nagpakitang-gilas.
“Hindi naman kami tinuruan ng syota mo, ka-jerjer,” sabi ni Kei. “Sabi niya, hindi daw namin matututunan ang Copying dahil mga bulok daw kami.”
Erno looked at Caroline, but she just looked away.
“Okay. Choose your partner,” sabi ni Erno sa grupo.
“Sa akin si Ashana,” agad na sabi ni Lou.
“Edi sayo,” Kei murmured.
Pinili nina Robin at Jessy ang isa’t isa. Sina Kei at JR naman ang naging partners.
“I’ll be with Erno,” pahayag ni Caroline.
“Walang nagtatanong,” sabi ni Kei.
Napatitig si Caroilne kay Kei at may ibinulong. Nagulat ang lahat nang magbago ang mukha ni Kei. Naging mukha ito ng isang aso. Hindi mapigilan nina Robin at Jessy ang pagtawa. Nagtangkang magsalita si Kei pero kahol lamang ang lumalabas sa bibig niya.
“That’s not funny!” sigaw ni Lou. “Bring his face back!”
Minutes later, nagbalik na sa normal ang mukha ni Kei. Galit na galit pa rin ang anyo ni Lou.
“Tama na, Lou. Relax. Ang mga ugat mo…” bulong na paalala ni Ashana.
“Mag-umpisa na tayo,” deklara ni Erno.
Tumahimik at sumeryoso na ang lahat.
“Copying is like memorizing. You need to memorize the face you are going to copy in every angle, otherwise, it won’t work properly, or you can’t do it at all.”
Sina Robin at Jessy ang unang sumalang.
“Look closely at each other. Memorize each other’s face in every angle before you close your eyes. Jessy will be Robin and Robin will be Jessy,” pagpapatuloy ni Erno.
Jessy and Robin closed their eyes. Pinanood sila ng lahat habang kinokopya nila ang mukha ng isa’t isa. Natawa sila nang makitang humahaba lang ang buhok ni Robin pero hindi naman nagbabago ang mukha nito. Ang mukha naman ni Jessy ay unti-unting nagiging mukha ni Robin. Hindi mapigilan sa pagtawa ang lahat. Kahit kasi mukha na ito ni Robin, ang katawan, pati na ang bestidang suot nito ay kay Jessy pa rin.
“Nice try,” sabi ni Erno. “Mayroon ding ibang klase ng pagkopya. Ito naman ay sa pamamagitan ng pagpapalit ng mukha ng katabi mo. Ikaw ang magpapabago ng mukha niya.”
“That’s cool. We’d like to try that,” excited na sabi ni JR.
Si Kei ang unang nagpabago sa mukha ni JR. Iginaya niya ang mukha nito sa sarili niyang anyo. Pinalakpakan ng lahat ang mahusay na pangongopya ni Kei. It was JR’s turn next. Kailangan ay maging mukha niya naman ang mukha ni Kei. Pero sa halip na ganito ang mangyari, lumaki lamang ang mga mata at ilong ni Kei, pati na ang mga tenga, pagkatapos ay lumapad ng husto ang bibig nito.
“Ayan, ka-jerjer. Gwapo ka na,” nagpipigil ng tawang sabi ni JR kay Kei.
“Kamukha mo na ako, ka-jerjer?” tanong ni Kei.
“Tingin ka sa salamin,” sagot ni JR. Tumingin si Kei sa salamin.
“Ano na ang nangyari sa mukha ko, ka-jerjer? Bakit nagmukha na akong alien?” tanong ni Kei nang makita ang sarili sa salamin. Natawa ang karamihan maliban kay Caroline. Sina Lou at Ashana naman ang sumunod. Kagaya ng ginawa nina JR at Kei, dapat ay kokopyahin nila ang mukha ng bawat isa. Gagawin ni Lou na mukha niya ang mukha ni Ashana, at gagawin din ni Ashana na mukha niya ang mukha ni Lou.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...