II. NUMB (Ashana)

875 16 0
                                    

---

(-ASHANA-)

Sa school clinic, kung saan nagsakit-sakitan ako para makapag-skip ng klase, naroroon na naman ang weirdong emo na kumakanta ng “You’re all I want, you’re all I need…”

Nang makita ko siya, ibang kanta naman ang pumasok sa isip ko.  Destiny.  Kung bakit naman kasi parang lagi kaming nagkikita kahit saan.  Nakahiga siya sa bed.  Hindi ko alam kung tulog siya o nakapikit lang.  Isang bagay lang ang nasisiguro ko, hindi siya humihinga!

Kinurot ko ang sarili ko sa pag-aakalang namamalikmata lang ako.  Pero hindi pa rin nagbago ang view ko.  The guy wasn’t breathing at all…

Nang matititigan ko siya ng matagal, nashock ako.  Something was written on his forehead.  “BROKEN.”

Mabuti na lang at pumasok sa clinic sina Anci at Anya…

“Hoy Asha, mukha kang nakakita ng multo,” bati ni Anci sa akin.

Napatingin muli ako sa lalaki.  Wala na ang nakasulat na ‘broken’ sa noo niya.

“Tingnan mo ang balita oh,” sabi ni Anya, sabay hagis ng dyaryo sa akin.

“Sunog?” tanong ko.

“Oo.  Buong village.  Would you believe it?” bulalas ni Anya.

“Ang sama naman ng gumawa niyan!” tiim-bagang na sabi ko. 

Exag. ang kriminal o mga kriminal ha?  Buong village?

“Oo nga pala, Asha, hinanap ka ni JR,” sabi ni Anci.

“Bakit daw?” tanong ko.  Si JR ang partner in crime ko sa pang-aasar sa mga profs namin.

“IDK.  Puntahan mo na lang,” sagot ni Anci.

Ganun talaga ang babaeng ‘yon, parang laging nasa YM kung makipag-usap.  Tiningnan ko uli ang lalaking natutulog.  He was already breathing.  Namalikmata lang siguro ako.

Bumalik ako sa gym para puntahan si JR.

“Partner!” pagtawag ko sa kanya.  Binobola niya si Ericka habang nagmomoment sila sa bench.  Sumimangot si Ericka nang makita ako.

Agad na nakipag-appear sa akin si JR.  “Halika, may susubukan lang tayong gawin sa classroom,” he said in a cheerful tone.

I smirked.  “Censored?” sabi ko sa malakas na boses na sadyang ipinarinig kay Ericka.  She walked out.

Pumunta kami ni JR sa isang classroom na walang tao.

“Asha, kanta ka nga ulit…” utos niya.  Inilabas niya ang lahat ng gamit sa bag niya at ipinatong niya iyon sa mesa.

“Nainlove ka sa voice ko, ‘no?” tanong ko.

“Dali na.  Titingnan ko lang kung mapapabagsak mo rin yung mga gamit ko,” sabi ni JR.

“May talent fee ‘to ah,” sabi ko.

“Sure… isaw,” sagot niya.

“Yosi na lang, partner,” request ko.

“Baliw ka talaga, Asha.  Inaasar mo talaga si Lou ‘no?” natatawang sabi niya.  “O sige na, sige na, kahit na anong kapalit.  Basta kumanta ka na.”

Wala akong maisip na kanta.  Biglang pumasok sa isip ko ang kantang paboritong kantahin ng emo kong classmate.

“You’re all I want, you’re all I need, you’re everything… everything…”

Kinanta ko ang kantang ‘yon ng feel na feel.  Isa-isang nagbagsakan ang lahat ng mga gamit sa mesa.

“Favorite mo na ‘yan ah.  Alam mo bang isinulat ‘yan ni Erno para sa dati niyang girlfriend?” pagkukuwento ni JR.

“Sinong Erno?”

“Yung palaging kumakanta niyan sa classroom…”

“Ahh… yung emo…” natatawa kong sabi.

“Asha, oo nga pala.  Sali ka sa grupo namin, yung Crimes and Mysteries Group o CMG.  Nag-iimbestiga kami ng mga kakaibang krimen…” sabing muli ni JR.

“Talaga?  Gusto ko ‘yan ah.  Teka… nabalitaan mo ba ‘yung balita sa dyaryo?  Yung sunog sa isang buong village?  Lahat patay…”

“O?”

“Oo.  Magkano ba bayad sa pagsali sa CMG?”

“Wala naman.  Sige, ii-inform na lang kita kapag may meeting,” sabi niya.

Nang makaalis na si JR,, saka ko pa lang napansin ang isang bulaklak na nakapatong sa bag ko…

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon