XII. THE SECRET (Lou)

737 13 0
                                    

XII. THE SECRET

~Lou’s journal~

Hinanap ko sa daan ang nawawalang sina Robin at Erno.  Kung ang negative force ang may pakana ng lahat, mahihirapan si Robin na ipagtanggol ang sarili niya kung nag-iisa lang siya.  At si Erno.  Ano na kaya ang nangyari sa kanya?  Kaya niyang patigilin ang oras, pero bakit hindi pa niya ito ginagawa?  Hindi rin siya sumasagot sa mga mind talks ko.

Biglang nakaramdam ako ng pwersang parang hinihila ako pabalik.  Itinigil ako sa harapan ng isang malaking bilog na parang TV screen.  There was a scene which involves most of the CMG members.  I wasn’t there.

Isang babae ang lumapit kay Robin sa bar.  The face was familiar pero hindi ko na maalala kung saan ko siya nakita. Kitang-kita ko sa screen na ‘yon na titig na titig ang lahat ng lalaki sa loob ng bar sa babaeng ‘yon. Biglang hinalikan ni Robin ang babae.  Walang sabi-sabing hinila siya ni Jessy at sinampal ng ubod lakas.  Pagkatapos ay nag-walk out si Jessy.  Sumunod ang tropa sa kanya palabas.  Ito siguro ang naging dahilan ng break up nina Jessy at Robin noon.  Kahit nang sumunod na ang lahat kay Jessy palabas, nanatiling nakapako ang mga mata ni Robin sa babae.  Tumakbong palabas ang babae nang mapansin ang matalim na pagkakatitig ni Robin sa kanya.  Hinabol ito ni Robin.

“No!  Please!  Don’t hurt me!” pagmamakaawa ng babae habang patuloy na tumatakbong palayo.

Naabutan ni Robin ang tumatakbong babae.  Hinila niya ito.  Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko sa screen na ‘yon.  Pinunit ni Robin ang damit ng babae.

“Huwag!  Maawa ka…” umiiyak na pagsusumamo ng babae.  Pero hindi ito pinakinggan ni Robin.  Pinagsamantalahan niya ang kaawa-awang babae!  Kahit naangkin na niya ito, nagawa pa ring makaganti ng babae.  Sinipa siya nito sa harapan.  Then she punched Robin straight in the face.  Robin dropped to the ground, unconscious.  Saka tumakbo ang babae.  Umiiyak ito at nagmumura habang tumatakbo.  Nang makakita ito ng isang kutsilyo, tinanggal nito ang sariling eyeballs!  Nawala ang circular screen!

Nakarinig ako ng sigaw!  “Let go!  Let go!”  Boses iyon ni Robin.  Kaya nagmamadali ko siyang hinanap.

Kung saan-saan ako naghanap.  “Robin!” tawag ko.

Pero hindi si Robin ang nakita ko.  Ang nakahintong si Erno, katabi ang babaeng nakita ko sa screen!  Ang babaeng nagtanggal ng sarili niyang eyeballs!  Umiiyak ang babae habang tila kinakausap nito si Erno.

“Help me!  It won’t go away!  It keeps coming back, my angel.  Itinapon ko na ito noon, pero bumabalik pa rin siya!” sabi ng babae.

Mataman akong nakinig.  Ano ang sinasabi ng babae?  Kilala ba niya si Erno?  Alam ba ni Erno na ni-rape ito ni Robin?  At bakit may mga eyeballs na siyang muli?  I knew I’ve really seen her somewhere.

Nagulat ako nang makita kong halikan si Erno ng babae.

“Kung anak mo ang batang ‘yon, hindi ko iyon papatayin.  Pero anak ng hayop ang batang iyon, kaya pinatay ko siya.  Pero paulit-ulit siyang bumabalik.  Ipinangako ko sa kanya na papatayin ko ang walang hiyang nagsamantala sa akin.  Sorry, my angel, if I killed again.  I’m really sorry…”

Hindi na ako nakatiis.  Hindi!  Hindi pwedeng mamatay si Robin!

“Nasaan si Robin?” matapang na sigaw ko sa babae.

She was surprised to see me, but she quickly recovered.  “I killed him!” she proudly stated.

“Nasaan siya?” matapang na tanong ko.

“He deserves to die!” she retorted.

“He was clearly in a trance when he did that to you!  Alam mo ‘yon.  Lahat ng lalaki do’n nakatingin sa ‘yo!” sabi ko.

“Nabuntis niya ako!” sigaw niya.

Hindi agad ako nakasagot sa sobrang pagkabigla.

“Si Erno, pa’no mo siya nakilala?” naitanong ko.

“He is… my angel, and he’ll always be the only person that will matter to me!” sagot niya.

“Bakit siya… nakatigil?  May kinalaman ka ba?” tanong ko.  “Pagalawin mo siya ulit!”

Maya-maya pa, gumalaw na rin si Erno.  “Care line,” I heard him mutter.  He was surprised to see me standing there.

+Don’t hurt her, Lou.  She’s my friend.

#Pinatay niya na raw si Robin!

Walking in an impossible speed, agad na nawala silang pareho sa harap ko.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon