XXVII. S, R, I.
-Lou’s journal-
May ideya na sina Erno na posibleng maibalik ang buhay ni Fille. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang maisip ‘yon. Paano na ang plano kong ako mismo ang magbabalik kay Fille? Iyon lang ang nag-iisang paraan para ako ang piliin niya kaysa kay Erno. She already admitted she loved me too. Kaya hindi ako dapat sumuko. Pero hindi iyon ang mahalaga. Ang mas mahalaga ay ang mahanap ang mga soulsavers. Patuloy kong hinanap sa mga directories kung saan macocontact ang dalawang soulsavers.
Ibinalita ni Erno na hindi pa rin nila mahanap ang mga buto ni Fille. Paano siya maibabalik ng soulsaver kung hindi na mahahanap ang mga buto niya? Kailangan ko na sigurong tumulong sa paghahanap.
Isang mahalagang pangitain rin ni Jessy ang ibinalita niya sa akin. Ang pagpapakita ng dating Clue Seer na si Carla sa panaginip niya. Mga panibagong clues ang ibinigay nito sa kanya. Mga clues na hindi namin alam kung ano ang kahulugan. Tatlong letra na pwedeng napakahalaga ang kahulugan. S, R, at I. Naisip ko agad na soulsaver at revive ang kahulugan ng S at R, pero hindi ako makaisip ng pwedeng maging kahulugan ng I.
Habang iniisip kong mabuti ang kahulugan ng mga letra, isang karumal-dumal na krimen na naman ang ibinalita sa telebisyon. Isang dalaga ang natagpuang pira-piraso ang katawan. Inilipat ko ang istasyon, ngunit isang section ng grade 4 pupils ang binabalita dito. Lahat ay pawang pinagpira-piraso ang mga katawan.
Isang halang na kaluluwa lang ang makakagawa ng mga ganitong uri ng krimen. Muling sumagi sa isip ko ang napag-usapan namin ni Erno. Na maaaring muling nabuhay ang Multiplier. Kung totoo iyon, malamang na ang soulsaver ang bumuhay sa kanya. At ang soulsaver na matagal ko ng hinahanap ay malamang na isa ring miyembro ng Negative Force. Kaya mas lalo kong naisip na kailangan naming talunin ang Negative Force. Ito lang ang tanging susi sa muling pagbabalik ni Fille.
Fille, matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ‘to, na makasama ka at maging akin ka. Nararamdaman ko, malapit na. Magkikita rin tayo ulit, bakekang, natatawa kong sabi sa isip.
---
Habang nagpapatuloy sa pag-eensayo ng freezing sina Robin at Jessy, biglang mapatigil si Robin.
“Bakit?’ tanong ni Jessy.
“Tinatawag ako ng isang kaluluwa,” sagot ni Robin. Sinundan niya ang kaluluwa at nakasunod rin sa likuran niya si Jessy. Tahimik niyang sinundan ito hanggang sa tumigil ito sa tapat ng isang puting sako. Bago pa man maitanong ni Robin kung ano ang kailangan at nais sabihin ng kaluluwa, naglaho na itong parang bula.
“Rob, ano ang sinasabi ng kaluluwa?” naginginig na tanong ni Jessy.
“Nawala siyang bigla,” sagot ni Robin na nakatuon ang atensiyon sa puting sako. Dahan-dahan niya itong binuksan. Muntik ng masuka si Jessy sa nasaksihan. Isang bangkay na wala na ang mga vital organs!
“Oh my God, ano ‘to?” nasabi ni Jessy.
“May gustong ipahiwatig ang kaluluwa kaya niya ako dinala dito,” konklusyon ni Robin.
“Dalhin natin ‘to sa headquarters,” suhestiyon ni Jessy. “Para malaman natin kung ano ang gagawin.”
Agad na ginawang backpack ni Robin ang puting sako na may lamang bangkay para hindi maghinala ang mga taong makakasalubong nila. Gamit ang bilis na natutunan nila sa mga nakaraang speed lessons, mabilis nilang narating ang flat ni Erno, ngunit wala pa rin ito doon. Agad na nagtext si Jessy dito. Maya-maya pa ay dumating ang mukhang pagud na pagod na si Erno. Ipinakita agad nila ang sakong may lamang bangkay.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
Siêu nhiênSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...