XVIII. HEARTACHE
(-ASHANA-)
Kinagabihan, sinamahan ako ni Lou sa bahay. Hanggang sa puntong iyon, hindi pa rin ako sanay na inaalalayan na niya ako at halos hindi na siya humihiwalay sa akin.
Nang gabing iyon, pareho kaming nakaupo lang sa sofa at kitang-kita ko siyang nakatulala lang sa akin.
“Si Fille. Gusto ko siyang makausap,” bigla niya na lang nasabi sa akin. “Tell her to talk to me.”
Gulat na gulat ako. Alam na ba niya ang sikreto namin ni Fille? Then, in an instant, Fille’s thoughts answered my question. Nagkausap pala sila sa isip ilang araw na ang nakalilipas.
-Ano ang gagawin ko, Fille? He wants to talk to you.
Pero hindi sumagot si Fille. Napapansin kong ilang araw na rin siyang tahimik. Pero nararamdaman ko pa rin ang presensya niya. Ano nga kaya ang nangyari sa kanya at hindi na niya ako kinakausap?
I stared at Lou, not knowing what to do.
“Did you hear me? I said I wanna talk to Fille, not you,” pasigaw na wika ni Lou.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. I just didn’t want to disappoint Lou at that moment, kaya nagkunwari na lang ako na kay Fille galing ang sinasabi ko.
“Lou? I-it’s me, Fille…”
“Fille?” muling tawag ni Lou.
“Yes?” alangan kong sagot.
“I love you. I miss you. Bumalik ka na…”
-What am I supposed to say? Tell me. Can’t you see Lou is hurting?
Humakbang palapit sa akin si Lou. “I love you, Fille. It really hurts without you. Trinato ko na ng maayos si Ashana kagaya ng napag-usapan natin. Now where are you? Talk to me, please.”
Hinawakan niya ang mukha ko. Umiiyak na pala ako nun nang hindi ko namamalayan. He kissed me long and hard. Pagkatapos ay tumigil siya sandali.
“Kiss me back,” bulong niya. Pinagbigyan ko ang pakiusap niya. Ngunit biglang dumating si JR at nakita niya kami sa ganoong ayos. Kitang-kita ko sa kanyang anyo ang labis na pagkabigla.
“Lou?” sabi ni JR. “Bakit… pa’no mo nagawa ‘to kay Asha? At akala ko ba… ayaw mo sa kanya?” gulung-gulong tanong ni JR.
“Sabihin mo sa kanya… na girlfriend kita,” bulong ni Lou sa akin.
“JR… um.. kami na, kami na ni Lou, boyfriend ko na siya,” nanginginig kong sabi kay JR.
“Ano? Pano nangyari ‘yon? Niligawan ka ba niya? Akala ko ba… type mo ako? Akala ko nagkakaintindihan na tayo. Bakit ang labo mo?”
Hindi ko maatim ang makita siyang nasasaktan. “Sorry,” tanging nasabi ko.
“Sorry? Ganun na lang ‘yon? Kahit nga kuko mo, hindi ko pa nahahalikan tapos ganito lang ang igaganti mo sa akin?” Napatingin si JR sa kinatatayuan ni Lou, at tiningnan ito ng matalim. “Paano mo nagawa ‘to sa akin, ka-jerjer? Bakit ikaw pa?”
“JR…” nagsimulang magpaliwanag si Lou.
“Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo!” agad na sigaw ni JR. At nagmamadali siyang umalis.
---
Pinuntahan ni JR ang bar na tinutugtugan ng kaibigang si Ericka, kagaya ng naipangako niya rito. Punung-puno ng tao sa bar habang tuutugtog ng gitara si Ericka at kumakanta. Tila dalang-dala ito sa kantang inaawit dahil nakapikit pa ito at lumuluha. Napilitang tumayo na lamang ni JR dahil wala ng bakanteng silya.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...