(-ASHANA-)
-Fille… Fille… Answer me… Don’t leave.
Tinawag ko siya, pero hindi siya sumagot. Ngayon ko lang na-realize na ayokong mawala siya. Dahil sa mga alaala niya, nakikita ko ang mga alaala ni Erno. Nakikita ko kung gaano siya minahal ni Erno. Erno is so perfect…
-Fille, tawag kong muli sa pangalan niya. Kapag hindi ka sumagot, sasabihin ko sa kanila na nasa akin pa ang kaluluwa mo. Sasabihin ko ang sikreto mo!
Naramdaman kong natense siya sa sinabi ko pero hindi siya sumagot. Mag-uumaga na pero nakakulong pa rin ako. Uhaw na uhaw na ako pero wala akong magawa. Nakagapos ang dalawang kamay ko. Nakablindfold ako, at may busal ang bibig ko. I felt so dehydrated. Would they let me suffer and die? Kailangan ko ng tubig. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang pagkauhaw…
*If they found out I’m here, they will kill you, thinking that they could still save me. But they couldn’t save me anymore. Kapag pinatay ka nila, mamamatay na rin ang kaluluwa ko.
-They wouldn’t love me.
*They would love you. Kapag nakilala nila ng mas mabuti…
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Narinig kong bumukas ang pinto. But whoever entered didn’t say a word. Narinig ko na lang na inilock ang pinto…
Alam kong may taong pumasok, pero bakit kaya hindi ito nagsasalita?
Nagpatuloy ang pagdurusa ko. Uhaw na uhaw na ako. Kahit nang subukan kong gumalaw, hindi ko iyon nagawa. Gusto ko rin sanang magsalita, pero may busal ang bibig ko.
The minutes turned to hours. I could feel sweat dripping all over my face. Masakit na ang mga mata ko sa blindfold. After a while, muling may nagbukas ng pinto.
“Erno! Erno, nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap,” narinig kong sabi ni JR.
Erno? Si Erno ang pumasok kanina na hindi nagsalita?
“Tama ang iniisip ko,” I heard Erno’s voice. “Pupunta ka rito para bigyan ng tubig ang halimaw. Why don’t you just let it suffer? Why don’t you just let it die?”
“Ako na’ng bahalang magbantay sa kanya. Magpakita ka na sa kanila. They’re all worried about you…” JR’s voice said.
Maya-maya pa, narinig kong may nagsara ng pinto.
“Wala na siya, Asha,” narinig ko uling sabi ni JR.
Tinanggal niya ang blindfold ko, pati na ang mga nakatali sa kamay ko at ang busal ko sa bibig. Pinainom niya ako ng isang basong tubig.
“Pasensya ka na, Asha. Sinabi ko naman sa’yo, ganito ang magiging trato nila sa ‘yo…”
“Ano na ang nagyari sa mga lessons ng CMG?” tanong ko.
“Tinuruan kami ni Erno ng leaping, pati na ng pagpapagalaw ng mga bagay sa pamamagitan lang ng paggamit ng mga mata,” sagot niya.
Inalala ni Fille ang mga nangyari noon sa paghaharap nila ng Negative Force. Muntik ng mapatay ng Negative Force si Erno…
“Sinaktan ka ba niya nung wala ako?” tanong ni JR. Umiling ako.
*Sabi ko naman sayo eh, napakabuting tao ni Erno…
“Malapit ko ng mamaster ang leaping,” sabi ni JR sa akin.
“Hindi ka ba nasaktan sa pagkamatay ni Fille?” tanong iyon ni Fille pero nanggaling sa sarili kong bibig.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICE
ParanormalSino ang magwawagi sa huling paghaharap ng dalawang magkaibang pwersa? Ano ang kaugnayan ng tatlong huling clues na madedeskubre ng Crimes and Mysteries Group sa nakatadhanang mangyari sa kanila? Sa huling aklat ng Crimes and Mysteries series ay m...