XXIV. THE INVISIBLE MAN

749 14 1
                                    

XXIV. THE INVISIBLE MAN

~Lou’s journal~

Pansamantalang natigil ang ensayo namin nang pansamantalang mawala na naman ang boses ni Erno.  Pinagpahinga ko muna ang grupo. Katatapos lamang ng mind talking lesson namin.  Inilahad na sa akin ni Melo kung paano siya nagkaroon ng tinatawag na second life sa tulong ng soulsaver.  Hindi ako makatingin ng diretso kay Erno knowing that I will be betraying him in some way. Pero kailangan kong gawin ‘yon.  For Fille.  For Fille and me.

Habang nagpapahinga ang grupo, binuksan ko ang laptop ko.  Naisipan kong i-type sa search engine ang mga pangalan ng soulsavers na nagngangalang Margaret Villongco at Serena Robb.  Ang lahat ng directories ng bawat lugar ay tiningnan ko para makita ko ang pangalan ng bawat lugar. Tatlo ang nahanap ko.  Napagpasyahan kong tawagan ang mga phone numbers na nasa directory bago ako matulog sa gabing iyon.  Napansin kong nag-eensayo pa rin sina Jessy at Robin, at si Ashana naman ay kasama nina JR, Kei at Erno.  Nakatingin lang sa kanila si Melo na mukhang namamangha at naaaliw sa kanila.  Ipinaliwanag ko sa grupo na kailangan namin si Melo because he is a Drawer na kaya niyang gawing tunay ang mga bagay na dinodrawing niya.  They were hesitant to trust him but I assured them I will be watching Melo closely.  Hindi ko alam kung bakit habang pinagmamasdan ko ang mga kasama ko ay parang nakaramdam ako ng paparating na panganib.

“Lou, kailangan ka naming makausap,” putol ni Robin sa malalim na pag-iisip ko.  Napatingin ako sa kanya.  “Tungkol sa premonisyon ni Jessy,” napalunok na sabi ni Robin.

“Nanaginip ako, Lou,” hysterical na sabi ni Jessy.  “Napaidlip lang ako at… tatlo sa atin ang mamamatay…”

Napailing ako sa sinabi niya.  Hindi ko hahayaang magkatotoo ang premonisyong iyon.  But I thought about Erno anyway.  At sino pa?

“Sana nga mali ang premonisyon ko, Lou.  Natatakot ako,” muling wika ni Jessy.

“Wala akong tiwala sa Melo na ‘yan,” pabulong na sabi ni Robin.  Ako man ay may duda rin pero kailangan kong maniwala, para sa muling pagbabalik ni Fille.

Pansamantala kong kinalimutan ang pansarili kong misyon na hanapin ang kahit isa man sa mga soulsavers.  Naisip ko kung gaano lang kaikli ang buhay ng bawat tao.  Alam kong pwedeng mawala sa akin ang isa o higit pa sa amin sa labang kakaharapin namin.  Naisip kong pwede ko rin itong ikamatay.  Kailangan na talaga naming magtulung-tulong. 

Isa-isa ko silang pinagmasdan.  Napakarami na naming pinagdaanan.  Ayokong basta na lang sila mawala sa akin ng hindi ko nasasabi sa kanila na malaki ang pasasalamat ko sa pagdating nila sa buhay ko.

Napatingin ako kay JR at naisipan kong tapusin na ang naging misunderstanding namin.  Nilapitan ko siya at binatukan.  Akma na sana siyang gaganti sa akin.

“Peace na tayo, ka-jerjer,” sabi ko.  “Sorry about Ashana.”

“Uyyy… magbabati na ‘yan…” panunudyo ni Kei.  “Kiss…”

Napangiti si Erno at napasulyap kay JR.  Siguro ay nag-usap sila sa isip.  Maya-maya pa ay kumuha siya ng notebook at ginawa itong laruang isda.  Inihagis niya iyon kay JR.

“Fish na din,” nakangiting sabi ni JR sa akin sabay abot sa laruang isda.  Nagkamay kami na ikinatuwa ng buong grupo.

“Sa wakas naayos na rin,” nagulat pa ako nang mapansin kung sino ang nagsalitang iyon.  Si Erno.

Nakita ko pang sumaludo si Ashana kay JR na ginantihan rin nito ng pagsaludo kay Ashana.

“Wow, ka-jerjer, buti nakakapagsalita ka na ulit.  Muntik ng mapanis ang laway mo,” biro ni Kei na ikinatawa ng lahat.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon