VIII. TRAINING

777 15 0
                                    

VIII. TRAINING

“Erno, let’s start.  It’s gone,” sabi ni Jessy.  Huminga ng malalim si Erno bago niya sinabihan ang iba na pumila.  Walang tumabi kay JR sa pila.  Inutusan ni Erno ang lahat na ilapag sa sahig ang mga suot nilang alahas at accessories.  Then he started the lesson.  Tinitigan niya ang relo niyang nakalapag sa sahig.  Unti-unti iyong umaangat sa ere.  Hanggang sa makarating ang relo sa kamay niya at muling sumuot.  He gave instructions to Lou through mind talking because he couldn’t bear to speak.

Tumango si Lou.

“Dapat nating matutunan ang pagpapagalaw ng mga bagay sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga mata natin.  Kailangang maibalik natin sa pagkakasuot ang mga alahas, pero hindi natin pwedeng hawakan.  Titingnan lang natin ang mga ito para pagalawin,” sabi ni Lou sa mga kasama.

Nobody spoke.  Tila iniisip nila kung paano magagawa ang sinabi ni Lou.

“The key is to think of the most important thing in your life,” pagpapatuloy ni Lou.  “And say the word ‘raenteg’ and the object that you want to move.”

Napatingin ang lahat sa mga alahas at accessories na nasa sahig.

“Raenteg ring!” sigaw ni Jessy, ngunit walang nangyari.

“Raenteg baller!” subok rin ni Kei.  Pero sa halip na gumalaw itong papalapit sa kanya, dahan-dahan pa itong lumalayo.

Natawa si JR, pero walang ibang nakitawa sa kanya.

Tinitigan ni Lou ang kwintas niya na nasa sahig.  Inimagine niya na isinasabit niya ang kwintas na ‘yon sa leeg ni Fille.

“Raenteg neck…lace,” he said.

Biglang parang hinihila ang leeg ni Robin ng kung anong pwersa papalapit kay Lou.  Napunit rin ang lace ng palda ni Jessy at unti-unting lumapit sa direksiyon ni Lou.

“Raenteg w-w-watch,” hirap na hirap na sabi ni Robin dahil hindi niya makontrol ang leeg niya na patuloy na hinihila papalapit kay Lou.

+Say ‘halt’ to make it stop.  You pronounced the word as neck… lace, that’s why Rob’s neck, and Jessy’s lace is coming at you.

“Halt,” agad na sabi ni Lou nang marinig ang sabi ni Erno sa isip niya.

Napaubo si Robin.  Pumikit si JR para subukan din ito.  Kailangan niyang matutunan ang pagpapagalaw ng mga bagay sa pamamagitan lamang ng mga mata, dahil pwede niya itong magamit sa pagprotekta kay Ashana.  Tinitigan niya ang baller niya na nasa sahig at bumulong siya ng “Raenteg baller!” pero ang baller ni Kei ang unti-unting umaangat sa ere papalapit sa kanya.

“Ka-jerjer, akin ‘yan,” reklamo ni Kei.

“Say ‘halt’ to make it stop,” utos ni Lou.

Pero nakalagpas na sa kinatatayuan ni JR ang baller.  Nagpatuloy siya sa pagtitig dito.

“Halt!” sigaw ni JR.

Nahulog ang baller na tinititigan niya sa school ground.  Dahil nasa rooftop sila, hindi nila nakita kung saang lugar ito eksaktong bumagsak.

“Hindi kita malilimutan…” naiiyak na kanta ni Kei para sa nahulog niyang baller.

Nagulat ang lahat nang makitang biglang tumalon si Erno mula sa rooftop.  Maya-maya pa, bumalik siyang dala na ang baller ni Kei.

+Next lesson is leaping, sabi niya kay Lou sa isip.

Mahirap para kay Lou na isatinig para sa lahat ang sinabing iyon ni Erno sa isip.  Hindi niya kasi maiwasang alalahanin si Fille na siyang Leaper ng grupo.

Nanatiling nakatingin ang lahat kay Erno, at pagkatapos ay kay Lou.  Tila naghihintay sila ng susunod na instruction.

“L-leaping lesson next,” Lou stammered.

“Ito ang pinakagusto kong matutunan,” sabi ni Kei na iniisip rin si Fille nang mga sandaling ‘yon.

+When you leap from a very high place, you should feel weightless.  Forget all your problems.  Isipin mong tubig ang babagsakan mo.  Kapag sobrang taas ng tinalunan mo, pwede kang tumigil sa ere.  Wag mong piliting talunin iyon sa isang bagsakan.

Inulit ni Lou sa lahat ang mga sinabi ni Erno sa isip niya.

+Don’t forget to think of the word ‘cigampael’.

#I’ll go first.

Pumikit si Lou.  Naalala niya ang mga pagkakataong isinasama siya ni Fille sa pagtalon patungo sa matataas na buildings.  He was almost in tears again.  Breathe, he told himself.  Forget your problems.  Then he leapt.  Cigampael, sabi niya sa isip.  Pero hindi pa man siya bumabagsak, tumigil na siya sa ere.  He stayed there.  He felt so weightless.  Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa ere.

Hinintay siya ng lahat na bumagsak sa lupa, pero hindi siya bumagsak.  Nanatili siya sa ere.  Nang mapansin ni Erno na hindi na siya gumagalaw sa ere, pinatigil niya ang oras.   Ibinaba niya sa lupa si Lou, bago niyang muling pinagalaw ang oras.  Saka pa lamang nagising si Lou.

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Lou

+Nakatulog ka sa ere.

Si Robin naman ang sumunod.

“Wag mong kalimutang isipin ang salitang ‘cigampael’ bago ka tumalon,” pahabol na bilin ni Lou.

Robin jumped from the rooftop.  Cigampael, naisip niya.  He felt weightless.  Pero bigla siyang natigilan nang may makita siyang tiyanak.  Imbes na sa school grounds siya bumagsak, tumilapon siya sa isa sa mga classrooms.  Nabasag ang bintana ng classroom na binagsakan niya.

Nagkasugat-sugat ang mukha at buong katawan ni Robin.  Sumunod sa kanya si Erno at dinala siyang muli nito sa rooftop.

“Oh my God, Rob,” nag-aalalang sabi ni Jessy nang makita ang mga sugat ni Robin.

+He’s okay, sabi ni Erno kay Lou sa isip.

“He’s fine, Jess.  Don’t worry,” Lou assured her.

“Ako naman ang susubok…” sabi ni Kei.

Agad siyang tumalon mula sa rooftop at nang pabagsak na siya, doon niya lang naalala na hindi nga pala niya inisip ang salitang ‘cigampael’ bago siya tumalon.

“Stop, stop, stop,” nagpapanic na sabi niya.

He moved up and down in midair.  Hilung-hilo na siya.  “Ayoko na… ayoko na…”  Bago siya tuluyang bumagsak, naabutan siya ni Erno na tumalon mula sa rooftop para saluhin siya.

“Muntik na ‘ko dun, ka-jerjer.  Thank you ha?” he smiled at Erno.  Si JR ang sumunod.  He closed his eyes and he leapt from the rooftop.

Cigampael, inisip niya.  He felt weightless.  Pakiramdam niya ay lumilipad na siya, habang nakasakay sa likod niya si Ashana.

“Stop in midair!” narinig niyang utos ni Lou.

“Halt,” sabi ni JR, then he stopped in midair.  But he felt the gravity slowly pulling him down and he couldn’t stay in midair any longer so he leapt into the school grounds.  Wala man lang siyang kasugat-sugat kaya napahanga niya ang lahat.

“Nice job, Rewinder,” puri ni Robin.

Si Jessy naman ang sumunod na sumubok.  Naghanda na siya sa pagtalon.  Inisip niya ang salitang ‘cigampael’ bago siya tumalon mula sa rooftop.  Ngunit, takot ang naramdaman niya pagtalon niya.  Pakiramdam niya ay magkakalasug-lasog ang buong katawan niya sa pagbagsak niya.

“Stop in midair,” utos ni Lou, pero hindi iyon nagawa ni Jessy.  Dire-diretso siyang bumagsak sa lupa.  Her limbs scattered everywhere.  She passed out.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon