Chapter 5.2

6.9K 91 0
                                    

Stephen’s POV

“Bro, Bukas Zipper mo” sabi ni ano nga bang pangalan neto?!

“HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA?! O______O”

Tinignan ko yung Zipper ko kung bukas, hindi naman pala! Nakakaloko to ah sapakin ko yata to ng matangal braces mo?! Nakakaloko ang aga aga na prank ako agad! Tumingin ako agad sa kanya!

“Joke lang bro! HAHAHAHAHAHAHAHAHA”

Nakakaloko yung tawa niya grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr sarap sapakin puta. Sorry sa word pero nakakabwiset.

“Alam mo di magandang biro yan! Ke aga aga! Nambabadtrip ka!”

“Eh pano kung di ka nakatingin sakin kanina pa edi sana di kita napagtripan?”

What? Alam niya na kanina pa ko nakatingin sa kanya?!

“Wag ka ngang FC”

“FC? O ayan ID ko. Alamin mo pangalan ko.

Patricio Vasquez…

“So what? Bumalik ka nga dun sa pwesto mo, andyan na yung prof!”

At dumating na nga yung prof! grabe nakakabwiset naman yung lalaking yung parang tanga! Ehhhhhhh naiinis talaga ko!!

“Oyy! Ano bang sinisimangot mo diyan?!” sabi ni King habang nagoorient yung prof naming sa History.

“Mamaya ko sayo kkwento teh” sabi ko.

Nakinig muna ako sa mga requirements ng prof namin dito sa History. At maaga namang nagpalabas itong prof naming dito.

At nagkaaayan kami kumain naman sa food court.

Habang pumipila kami kinausap ako ni King. (Mother you) in tagalog Ina Mo.  Hahaha joke pampaGV

“Ano kinasisimangot mo dyan sis?” sabi ni king

“Huwow sis! Anne Curtis? Ikaw ba yan? Hahahaha”

“Gago ano nga?”

“Eh kasi kaninang umaga nung wala pa kayo, may nang prank sakin! Si Patricio Vasquez yung ka blockmate natin! Nakakabwiset! Sinabi sakin na nakabukas yung zipper ko hindi naman pala! Diba nakakabwisit!”

“Asus yun lang naman pala!!!”

“Anong yun lang? nakakabwiset kaya ang aga aga!”

“So inlove ka na niyan?”

“Ang bilis naman the! Hahahahaha tara nga nga kain muna tayo asan ba sila marhorie at quincy?”

“andun may nakareserve na silang table”

After naming kumain tumambay muna kami sa Freedom Park, nakita ko tong si Patricio sa freedom park kasama ng mga barkada niya, tumatambay din.

“Ang gwapo nung nakasalamin noh? Crush ko na siya!!!! Omygee ang cute niya!!! Bagay kami! Gwapo’t maganda :””> ”  sabi ni popol

SAYO NA SAYONG SAYO NA NAKAKASUKA EWW.

Ayy teka bakit ganto ako mag react? Anong meron?!

Ewan bahala na nga!

Sumapit ang 11pm ITEF class Computer Fundamentals chuchu. Tinuturo samin history ng computer ang kung ano ano pa, pinagawa kami ng activity gumawa daw ng layout ng lyrics sa MS WORD! Ang bongga diba? Hahahaha. MS WORD! Epic! :) makakagawa nga kami dun Word Art, Clip Art lang gamit. Hahaha.

Tapos next class, Filipino! Eto pinaka epic eh! Nagpakilala isa isa na pinaka ayaw kong gawin! Tinanong kung saan ng galing saan nagaral nung high school at interest sa buhay.

Nung eksena ko na

“Anong pangalan mo?”

“Stephen Jan Valencia po”

“Saan ka nangaling?”

“Sa sperm po ng tatay ko at sa Room 804 po kanina”

“WAG KANG PILOSOPO!”

“Mam hindi po, nagsasabi lang po ako ng totoo.”

Nagtawanan ang buong klase

“Maari ka ng umupo!”

Nagsabi lang ng totoo nagalit agad tong matandang hukluban na to? Che!

Di nagtagal umabot na sa punto ng pagpapakilala si Patricio.

“Anong Pangalan mo?”

“Patricio Vasquez po”

“Saan ka nangaling? Ayy mali papalitan ko na nga Saan ka nakatira?”

“Sa Cavite po.”

“Nagdodorm ka iho?”

“Hindi po, uwian po ako araw araw.”

“ Ahh ganun ba? Ano naman ang iyong mga interest”

“Dota lang po:

“Okay, salamat iho”

Ahhhhhh taga Cavite pala tong mokong na to. So wala akong pake Taga tondo ako! Ika nga ni FPJ “sayo ang cavite akin ang tondo” HAHAHAHAHAHA. Tama bang kay FPJ yun?

Natapos ng magkwento ng kanyang talambuhay ang matandang hukluban na ito. At nagdismiss narin sa wakas!

At nagkayaan mag SM Manila

“Tara Guys! SM MANILA tayo! First gala natin magkakasama!”

sumama naman ako, para hindi maging KJ, first gala nga naman. Kami kami nila Marhorie, Quincy, King, Popol, Aryang, Francesita, Pawiwi at yung mga boys na nakasama naming sa Mcdo dati sila Mark, Christopher,James, Rainier. Sumama yung barkada ni Patricio pero hindi siya sumama sa SM, uuwi na daw siya kasi daw mahaba biyahe niya.

Nag Sine 25 kami! The grudge pinanuod namin! Saya pala netong kasamang manuod! Ang ginawa naming, dun kami sa unang una ng sinehan at duon nagsihigahan! Yung isa bumili ng facial mask at duon naglagay! Malamig daw kasi! Yung isa naman naunuod ng movie sa phone niya yung isa nag vevertical sa sinehan diba? Ang lalakas ng topak.

 After naming magsine umuwi narin kami. Pagdating sa bahay online agad at chikahan na naman sa facebook.

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon