Hindi ko kinaya ang narinig ko.
“Ahh Tita-ah si-sigurado po ba kayo?” umiiyak kong sabi
“Oo iho, alam mo kung anong flight number niya?” sabi ni tita na parang hindi alam
“Hindi niyo ho ba alam?”
“Ang alin?”
“Flight EK143 po ang flight niyaaaa tita! Kasama po siya sa bumagsak na airplane!”
“Hindi totoo yan! Hindi totoo yan! Bawiin mo!!”
Biglang ibinaba ni tita ang phone,
Umiyak ako ng umiyak!
Patricio!!! Bakit ngayon ka pa mawawala!? Lord, please maghimala kayo kahit ngayon lang!!
Nagwala ako, tinapon ko yung cellphone ko, binato ko ang kung ano anong gamit dito sa kwarto, kung anong makita ko itatapon ko biglang dumating ang lolo at si mama
“Mama!!!” niyakap niya ko.
“Bakit anak anong problema?!”
“Apo bakit? Ayos ka lang ba?!”
“Maaaaaa!! Wala na po si Patricio! Yung bumagsak na eroplano kasama siya dun!!!”
“Anak!! Sabi ko naman sayo diba? Kailangan mong tanggapin!”
“Ma! Hindi ko kaya!!!!”
Biglang nagsidatingan yung mga kamaganak ko sa kwarto ko. Agad nilang akong pinatahan,. Dinalhan ako ng gamot pampatulog at tubig para daw kumalma ako. hiniga muna ako sa kama ko.
Nagising ako gabi na,
“Oh anak ayos ka na ba?”
“Hindi po ma, hindi ako ayos, ang gusto ko bumalik na tayo sa manila, hahanapin ko si Patricio”
“Oo sige, kanina pa nakahanda ang gamit natin, hinihintay lang kitang magising”
“Sige ma, tara na”
Bumangon ako para maghilamos,
“Lola, alis na po kami”
“Sige apo, pakatatag ka ha? Tawag ka lang sakin pag kailangan mo ng kausap”
“Sige po, alis na po kami”
Bumiyahe na kami ni Mama papuntang Manila, di mapigilan ng mata ko na hindi umiyak, inaalala ko ang masayang alalaala ko kasama si Patricio, bakit ganun? Bakit ang sakit, bakit ang aga kuhanin. Minsan na lang ako maging masaya, pinagdadamot pa sakin? Ayokong magalit sa diyos? Walang dahilan para magalit ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...