Stephen’s POV
Isang linggo na ang nakalipas, parang nawalan ako ng gana pumasok. Hindi ako nakikinig, laging tulala ewan ko hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin nitong Patricio na ‘to, parang wala kaming pinagsamahan. Iniwan niya ako sa ere. Nahulog na ko sa kanya eh, wala na namang sumalo. Pesteng buhay naman ‘to lagi na lang ganito! Ganito na lang ba talaga?? Pag bakla laging pinapaasa? Laging pinapahopia? Kelan ba kami makakatikim ng tunay na pagmamahal!?
College Algebra class, sabi ko naman sa inyo weakness ko ito, gusto ko mang making pero walang pumapasok sa utak ko. Pinipilit ko pero wala talaga! Nakatulala lang ako at nagiiisip isip bigla akong tinawag ni Mrs. Sharolina
“Mr. Valencia! Can you please answer the equation on the board?!”
Hala pano na to? Hindi ko naintindihan ito! Lagot na!
“Ha? Ma’am?”
“Sabi ko Mr. Valencia! Sagutan mo yung equation sa board!!! Hindi kasi nakikinig eh!”
“Ma’am sorry po, hirap po talaga ako sa Math, hindi ko po siya kayang sagutan!”
“Hirap ka na sa math, hindi ka pa nakikinig!!! Hay nako Mr. Valencia, baka mahirapan din ako lagyan yung Class Record ng grade mo!!!”
Napayuko na lamang ako, pano pag nalaman na bagsak ako, dyusko 1st term palang bagsak na ko, wag naman po sana.
Natapos na lahat ng klase namin, hanggang ngayon eh tahimik parin ako. Grabe bakit ba ganito yung epekto? Parang tanga naman!
“Sis ano bang nangyayare sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan? 1 linggo ka nang tahimik alam mo ba yun? Parang hindi ka naming kasama! Asan na si Teptep na nangbabara samin araw araw?!” sabi ni king habang nasa freedom park kami
“Anong nagkakaganyan wala ah.” Mahinahon kong sabi.
“Sis hindi ako naniniwala may problema ba sa inyo? Pwede mong Ishare samin yan” sabat naman ni Quincy.
Habang nagiisip parin, napagdesisyunan ko na sabihin na sa kanila.
“ganito kasi gays, alam mo yung bigla ka na lang hindi papansinin? Yung hindi ka na lang kikibuin yung tipong araw araw kayong magkasama at nagpapansinan? Yung nasanay ka na lang na ganun. Tapos ayun bigla ka ngang hindi kikibuin, ang sakit para sakin”
Nangingilid ang luha ko habang sinasabi yan, ewan ko napaka big deal sakin neto. Bakit ganun? Siguro dahil dati na kong nasaktan?
Habang nasa freedom park kami nakita ko si Patricio na naglalakad papunta sa Tayuman may kasamang babae. Bakit ganito pakiramdam ko para akong hihimatayin sa sobrang sakit !!! ano nang nangyare sa Good bye kiss mo ha? Pa-fall kang hayup ka!!!
Habang nakatingin ako kela Patricio at dun sa babae niyang kasama, bigla akong tinabihan ni Christopher
“Nagseselos ka no?” sabi niya
“Hindi ah.”
“Lul Tep, alam ko na, nasabi sakin ni Francesita na may gusto ka diyan kay Patricio”
Hayyy si Francesita talaga -___-
“Oo na oo na”
“Alam mo teptep, masakit talaga no? naranasan ko na rin yung ganyan eh.”
“Shet, Christopher, bakla pa pala? Omg sabi ko nga ba eh!! Dama na kita nung first day palang!”
“Gago hindi, yung makita mo yung mahal mo na may kasama at kausap na iba? Parang mainit na katawan tapos bigla kang binuhasan ng malamig na tubig? Ganun yun!”
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...