Patricio’s POV
Hindi ako nagkakamali, oo siya nga si Clare Ann. Bakit ganun? Nung nakita ko siya ulit ewan ko parang ganun parin nararamdaman ko sa kanya pero di pwede eh, may teptep na ko pero di ko talaga akalain na totoo yung sinabi sakin ni Carlo noon nalilipat nga daw pala talaga itong si Clare dito sa FEU.
“Hi Patricio, meet Clare Ann”
“ahh hi”
Di parin maalis sa isip ko yung pagpapakilala sakin nitong si teptep, tinitignan ko yung mukha nitong si Clare akala mo kung sinong anghel ang nandun na kasama ni teptep. Kaya agad ko namang niyaya itong si teptep para makapag enroll na kami. Gusto kong iwasan itong si Clare baka kung ano pang masabi ko. Pero di parin nagbabago pagtingin ko sa kanya, maganda parin itong si Clare. At higit sa lahat di ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya saking pagiwan nuon.
“Ahh tara siopao! Enroll na ko!”
“Uyy Clare Ann alis na kami ha?”
“Okay lang sige, uwi na rin ako”
Pumunta na kami agad nitong si teptep sa cashier para magbayad ng tuition, nagmamadali talaga ko, para di ko ulit makita si clare, hindi pa naman kasi ako handa para makapagkita sa kaniya eh!!!
Pagkatapos kong magbayad eh pumunta na kami sa pagprint ng COR ko, after ko rin makuha iyon nagkwentuhan muna kami nitong si teptep
“Siopao?”
“Bakit noo?”
“Uhmm, anong course nung Clare ann?”
“Digital Arts din daw”
Shit eto na nga, sinusundan nga talaga ako
“Anong block daw?”
“Ka block daw natin”
“Haaaaaaaaaa? Ka block natin!?” sigaw ko sa kanya.
“Oo ayaw mo?”
“Ahh wala, ahh hindi”
Ano bang balak nitong si Clare at pumunta dito sa FEU? Dapat dun na lang siya sa OLFU eh bwiset! Di pa ko ready na makita ko siya at di pa ko ready na dapat makita niya na ko DI PA KO MATABA!!! Diba yun yung gusto niya? Pero bakit kailangan kong gawin pa yun? Eh meron na kong teptep? Masaya naman kami diba? Erase erase!! Wala na kong pakelam sa kanya!!
Nagpaalam na ko kay teptep, sinabi ko na masama ang pakiramdam ko, pero mula sa byahe hanggang sa bahay namin iniisip ko parin kung anong pwedeng gawin ni Clare, ewan ko siyempre alam kong alam niya na kami nga ni teptep! Siyempre on national tv ko ginawa eh! Kaso natatakot ako. kung anong pwedeng gawin ng Calre na yan, kasi nga diba? Malakas kapit ng babaeng yun, super spoiled brat kasi.
Naisipan kong itext si carlo paguwi ko
“Bro!” text ko sa kanya
“Bakit bro?”
“Totoo nga yung sinabi mo sakin dati, si Clare nga lumipat na ng FEU”
“Hala ka bro!!! ayan na!! alam ko sobrang galit yan nung nalaman na may “boyfriend” ka”
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Ficção AdolescenteThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...