Stephen’s POV
Nakauwi na ako ng bahay, nakakainis tong si Patricio! Di man lang binigay yung carbonara! Libre libre! Takaw takawa naman hmppp.
Wala masyadong assignments, so facebook facebook muna! Twitter twitter!
Nakita kong magkatweet sila Patricio at Selena
@PatricioVasquez Hi Selena! :> haha.
@Selena Hi Patricio! Hahahaha ano gawa mo?
@PatricioVasquez Fb, twitter, youtube hehe ikaw?
@Selena Uhmm searching?
@PatricioVasquez ano sinesearch mo?
@Selena History Assignment. Hahahaha
Bigla akong nagtweet
@IamCoolPersona: GANDANG HAPON GUYS!!!
Mga nagreply
@jaiunkabogable: Hi Teptep! Gandang Hapon!
@gandangclare: Che anong maganda sa Hapon!
@JeanielovesvICe WALANG MAGANDA SA HAPON
@ILoveVG_Smile Ako lang ang maganda sa Hapon!!!
@ImAllAboutViceG Huwow, nagaaral pa ko kung pano magpaanak wait! Magandang hapon cay!
Mga daotera forever tong VGFEVER eh! Kahit kelan! :”> pero isa rin yan sa mga sumusuporta sakin! Hahahaha eme.
Biglang nagtweet si Patricio
@PatricioVasquez tssss…
Nagreply ako
To @PatricioVasquez problema mo? Kinain mo yung carbonara ko na sabi mong LIBRE mo!
Nagreply siya
@PatricioVasquez Sorry na :”(
“Tepteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!! Kunin mo nga kela Tita Amy mo yung Sipilyo ko!!!”
Hala punyeta pano napunta tooth brush ni mama dun? O.O
“Ano ba yan ma! Istorbo! Naguusap na nga kami eh!!”
“Dalian moooooooooo!” yung sigaw niya abot FEU shet hahaha
Lumabas ako ng bahay!!!
Pumunta ako sa iskinita, tapos tumawid ako ng riles, pagkatawid ko ng riles nag taxi ako papuntang gagalangin, pag dating ko ng gagalangin nag jeep ako papuntang abad santos. Alam niyo ba kung saan nakatira yung tita ko?
SA TAPAT NG BAHAY NAMIN :)
Wala lang gusto ko lang magaksaya ng pamasahe bakit ba.
Kinuha ko yung toothbrush ni mama.
“Bakit ang tagal mo!?!”
“Ma! May nanganak, tinulungan ko lang makasakay ng sasakyan kawawa naman eh!”
Pagbalik ko sa PC. Wala na offline na siya. Hmpp sayang!!!
Kinalikot ko na lang phone ko, hay nakakamiss naman High school friends. Gusto ko na ulit makasama sila! :( ang lalayo kasi yung isa nasa Cavite rin. Ayy dalawa pala sila. Yung isa naman pupunta ng London hay nako mas mamimiss ko yun kasi yun pinaka lagi kong inaaway :”(
Pero eto ako, namimiss ko rin naman nila ako, di ko lang alam kung kelan kami magkikita kita, habang tinitignan ko yung pictures naming biglang nagtext si Sherina
From: Sherina
Girl! What time labas mo bukas? SM Manila tayo?
To: Sherina
3pm labas ko
From: Sherina
Go ako rin tayong lahat pala 3 uwi nila CJ!
To: Sherina
Sige go! See you tom! I miss you guys!!!
So ayun after class dumiretso ako ng SM Manila! Nanuod kami ng The healing kinekwento ko lahat ng nangyare sakin, na bumagsak nga ako sa Midterm exam ng College Algebra at Programming! Eto napapala ng every uwian nasa SM Manila eh.
“Girl ano bang nangyayare sayo? Bakit ganyan?”
“Ewan ko She, kasi naman si Pat eh :”( “
“Oh sino naman si Pat?”
“Bago kong crush”
“Ayun naman pala eh! Nakakaloka ka! Dahil lang sa ganyan bumagsak ka!”
“eh kasi naman eh! Di na ko pinapansin di na ko kinakausap?”
“Bakit ano bang meron sa inyo?” sabat ni CJ
“Wala, walang meron samin!”
Natigil na ang usapan at inenjoy na lang naming ang movie, gusto ko sila lang nasa isip ko! Namiss ko mga bestfriends ko!!!!
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...