Patricio’s POV
Lagi kong sinusulyapan tong si Siopao, isang linggo na simula nung hindi ko siya pinansin. Simula nuon lagi na siyang malungkot, lagi siyang nakatulala eto ba yung epekto ng ginawa ko sa kanya? Parang gusto ko ng itigil yung plano ko, ayokong nakikitang nasasaktan si teptep.
Lagi kong tinitignan yung mga tweets ni Teptep, lahat malulungkot. Sana naman kasi sinasagot na siya sa mga tawag ko! Si Mommy kasi ayaw akong tulungan eh!! >.<
“Mommy kasi ikaw na kumausap sa kanya!!!!”
“dyusko nak! Napapanuod mo naman? Sobrang busy siya!!”
“Dali na mommy!!”
“Sige na ittry ko ulit! Alam mo namang super busy yun!!!”
“Yey! Thanks mommy!!!”
Nagbabasa ako ng mga tweets ni Teptep
“Para akong poste, dinadaan daanan na lang”
Basta madami pa!
“Sana maramdaman mo kung ano yung nararamdaman ko ngayon!”
Tamang tama sakin ‘to.
Nagiisip ako kung itutuloy ko pa ba tong planong to? Nasasaktan na talaga siya eh. Ayokong nakikitang nasaksaktan si siopao. Pero ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan! Tanga tanga ko naman!
Habang hinahalukay ko yung mga pictures niya sa album niya dati. Grabe napapanganga talaga ako!!! Ibang iba yung itsura niya dati sa itsura niya ngayon! Mas lalo pa pala siyang nagbloom? Kasi nung nakita ko yung pictures niya matuturn off ka eh!! Pero cute parin siya. Pero booooom! Iba iba! Ganun pala yung tawag na
Gandang di mo inakala! With matching palo baba! Pak! HAHAHAHA
Nabalitaan ko na naglasing siya, nung Tuesday ata, hindi ko rin pala nabalitaan, nakita ko yung mga pictures na nakatag sa kanya habang sumusuka, magang maga pa yung mata niya parang bagong iyak.
kaya siguro siya nakapasok nung Wednesday.
Nalaman ko na dahil sakin nga siya naglasing, parang abnormal naman tong si teptep eh, bakit kasi naglasing eh di naman kaya!!!
Nalaman ko rin na nasampal siya ng tita niya dahil sa paglalasing niya pero ang babaw rin bakit siya sinampal? Eh celebration yung naganap?
Bigla akong nalungkot, dahil sakin kaya siya naglasing at dahil naglasing siya, nasampal siya ng tita niya, hindi niya sakin nakkwento yung tungkol sa tita at tito niya nung nandun ako sa bahay nila kasi bigla siyang tinawag ng mama niya.
Nagsusurf parin at iniistalk ko lahat ng connections ko kay teptep, facebook, twitter. Tinitignan ko yung mga tweets niya. Halos lahat pang malulungkot,
Bukas naman rest day naming dahil Friday. Naglibot libot muna ako sa loob ng village namin sila Terence at RR na naglalaro ng basketball
“Par! Sali ka!!! Wag ka ng gumawa ng excuse!!”
“Kaya nga ako pumunta dito para sumali eh!”
Nagpapawis muna ko! Naglaro kami nila Terence at RR! Siyempre nanalo sila! Mga players ng UAAP to eh! Ang score 5-93 diba? Ang galing nila! Mga idol ko to eh!
“oh ano dota na lang ano?”
“wag na forte mo yun eh!”
“wala ka pala eh! Hahaha”
Kumain muna kami nila Terence! Libre niya! Oyeah sa tapsilogan kami kumain!
“Oh umorder ka na! treat namin to ng tropa sayo!”
“Ayun oh!!! Salamat!!”
Kumain kami nila Terence at RR kasama ng tropa namin! Nagtawanan lang kami at kwentuhan! Matagal ko na silang kilala 2nd year high school pa lang ako. Alam niyo ba muntikan ng magsapakan itong si Terence at RR dahil sakin, tungkol sa papasukan ko sa college ang gusto kasi netong si Terence sa FEU Silang ako mag-aral etong si RR naman gusto akong pumasok sa FEU Morayta. Eh kaso yung IT nga nasa FEU Morayta kaya ayun dun ako pumasok.
“Mga pare naalala niyo ba nung nagaway kayo dahil sakin?”
“fre! Wag mo ng paaalala yun” sabi ni RR
Biglang inakbayan ni RR si Terence!
“Masakit yung sapak mo sakin nun pre!” sabi ni RR kay Terence
Nagtawanan na lang kami, umuwi na ko at nagpasalamat sa kanila sa paglilibre nila sakin
“Mga pare salamat ha!”
“Okay lang yun pare! Basta ikaw!!”
“Sweet mo naman, pakiss nga!” sabi ko kay Terence
“Lul! Wag mo kong inaano ah, baka ikiss din kita” sabi ni Terence
“BROMANCE NA ITUUUUU!” sabay sabay nilang sabi!!
“Ge na mga tarantado!”
“Ge ingat par!”
Umuwi ako sa bahay,nakita ko si mommy na nagliligpit na.
“Oh anak nakauwi ka na pala, kumain ka na ba? Iinit ko yung ulam natin gusto mo?”
“Mommy wag na po, nilibre po ako nila Terence sa Tapsilogan sa may labas ng village natin! Sige po mommy akyat na po kayo po matulog na! good night!!”
Pagkapasok ko sa kwarto ko. naligo muna ako kasi amoy pawis na ko dahil sa basketball.
After kong maligo, nagbihis ako nanuod muna ako ng TV. Bandila na pala! Tagal pala naming naglaro!!!
Nakakagulat naman yung mga balita habang may dinadial ako sa phone ko. May tinatawagan kasi ako si.
Si Tita Vice.
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...