Patricio’s POV
“Teptep!! Wait!” sigaw ko kay teptep habang nakita ko siyang umiiyak palabas ng condo unit, hindi ko akalaing aabot sa ganito ang lahat
“WHAT THE FUCK!! MARHORIE! BAKIT MO SAKIN GINAWA TO? BAKIT MO SAKIN GINAGAWA TO?!” sigaw ko kay Marhorie habang nagbihihis ako.
“Gusto mo malaman kung bakit ko sayo ginagawa to? Dahil MAHAL KITA!”
“Pero mahal ko si teptep!!!”
“HINDI KA NIYA MABIBIGYAN NG ANAK!”
“Wala akong pakelam kung hindi kami magkaroon ng anak! Ang alam ko mahal ko siya at hindi ko siya kayang ipagpalit sa katulad mo! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo marhorie! Isa ka sa mga kaibigan ko tapos gagantuhin mo lang ako! KALADKARIN ka palang babae!”
“Bakit? Ha? Masisi mo ba ko kung mahal kita? PATRICIO! 4 na taon?! Ha?! 4 na taon akong naghihintay, nasasaktan at umaasa na mahalin mo rin ako!!!”
“Eh bakit hindi mo sakin inamin dati?! Edi sana hindi umabot sa ganito!! ALAM MO WALA NA KONG PAKELAM SA SASABIHIN MO!! Pag kami hindi nagkaayos ni teptep! Di ko alam masasabi ko sayo!”
Lumabas ako sa condo unit nato, tinanong ko sa guard kung anong lugar ito, Sampaloc lang pala ito, malapit lang kela teptep! Biglang may tumawag sakin sa phone si Rainier
“fre! Nagustuhan mo ba regalo ko sayo?”
“Ang alin?”
“Si Marhorie!? Bakit di ka ba nasarapan? Oras na para makatikim ka naman ng babae, hindi yung puro bakla na lang pinapatos mo”
“Gago ka! Kasabwat ka pala ni Marhorie! Mag sama sama kayo sa Impyerno PUSANG INA NIYO!”
Binaba ko na ang phone ko at agad akong sumakay ng tricycle papunta kela teptep. Hindi ko alam, naguguluhan pa ko, ang sakit ng ulo ko nahihilo pa ko sa mga alak na nainom ko kagabi at ilang minuto din ay nakarating ako sa bahay nila teptep.
“TEPTEP! TEPTEP! Kausapin mo naman ako oh! TEPTEP!”
“Patricio iho! Nako natutulog na eh, kakauwi lang kasi galing trabaho. Hayaan mo muna matulog, itext mo na lang siya pag gising na siya”
“Tita! Please? Pwede po ba akong pumunta sa room niya?”
“IHO, NATUTULOG ANG ANAK KO, KAKAUWI NIYA PALANG GALING SA TRABAHO IBIGAY MO NA YUN SA KANYA HA PWEDE? SIGE NA MAKAKAUWI KA NA”
Alam kong sa tono ng pananalita ni tita ay alam kong alam niya na may nangyari pero hindi ko siya masisi, alam ng isang ina ang nararamdaman ng isang anak kaya umalis na rin ako sa gate ng bahay nila at umuwi sa amin.
Alas otso ng umaga, nagbyahe ako mula maynila patungong cavite, tuliro, iniisip kung anong susunod na mangyayari sakin o sa amin ni teptep, ayokong mawala siya sakin, hindi ko kaya, hindi ko kakayanin.
Nakababa na ko sa labas ng village namin ngunit wala parin akong kibo, pumasok na ako at nakita ko ang mga high school friends ko na nagbabasketball sa basketball court.
“Patricio! Kamusta ka na!”
“Di ayos pare sige uwi na ko”
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
أدب المراهقينThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...