Patricio’s POV
Sa wakas! Bati na kami ni Teptep! Woo! Thank you lord! :))
Nandito kami ngayon sa Bookstore ng FEU tingin daw ng mga souvenirs. Kami naman ni teptep magkausap lang.
“Hoy Patricio!” sabi niya
“O bakit?” Ngumiti ako ng abot tenga
“Nakita mo yung patpat?”
“Saan?”
“Duon oh”
“Anong gagawin ko?”
“Hampas mo sa sarili mo hahahahaha”
“weh corny wala na tsssss”
“OKAY! OKAY LANG TALAGA! OKAY!”
“Wahahaha joke lang!”
Namiss ko to pagtripan!!! Ang cute parin niya!!! Hahahaha ang sarap lapirutin ng pisnge! Hahahaha
Nagtanong na naman ulit siya
“Hoy pat!”
“Bakit?”
“Bakit ka dito nag-aral? Diba may FEU naman sa inyo? FEU Silang?”
“Alam mo ba kung bakit dito ako nag-aral?”
“Oh bakit ha? Sabihin mo!”
“Kasi.
Nandito ka.”
Pagkasabi ko nun, nagulat na lang ako. Bakit ko nasabi yun? O__O tapos tinignan ko siya, namula at biglang tumalikod!!
“Hoy tep! Tara daw! SM Manila daw muna tayo!”
“Weh? Sasama ka?”
“Oo ayaw mo? Sige uuwi na ko dun naman sakayan ko.”
“Okay sige uwi ka na! bye!”
“Okay Tep! OKAY!!!”
Sumama parin ako sa kanila! Wala eh, trip ko sumama sa kanila ngayon manunuod daw ng The healing last day na dawn ng showing ngayon.
Habang nasa jeep kami ang upuan naming Si Teptep-Francesita-Ako
“Francesita! Napanuod mo na ba yung One More Chance?” sabi ni teptep
“Oo teh ang bongga nun no?”
“Nakakaiyak yung part dun na, She had me at worst you had me at my best pero sinayang mo part no?”
“Oo nga teh umiyak ako ng isang ilog nun eh”
“ang eksaherada mo naman!!!!”
“Tsssss. Siopao!” sabat ko
“Ano Patricio may sinasabi ka?”
“Wala sabi ko siopao!”
“Wahahaha siopao ka pala eh!” sabi ni francesita!
Napagtripan ko na naman siya success! Hahahaha
Pagdating naming sa sinehan di ko naman inexpect na nakakatakot pala talaga tong The Healing, alam mo naman pag Filipino horror movies hindi masyadong nakakatakot diba?
Scene: yung part na si Vilma Santos eh patingin tingin sa mga bintana tapos pagbukas niya ng pinto may uwak na lumabas!
Ako “WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH” Sabay yakap kay Teptep! Ang gay shit pero nakakatakot talaga!
“Parang abnormal naman tong si Pat! Umayos ka nga!!!”
“Nakakatakot kaya!”
“O edi lumabas ka!”
“Che! Siopao!”
“Lul!!!”
Nakakailang sigaw na ko! Kotang kota na ko! Swear gusto ko ng lumabas kasi nakakagulat parang tanga
Meron na dun yung part na may nalaglag na Bangkay tapos nakalabas dila
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA PUTANG INA!!! AYOKO NA AYOKO NA!!!”
Pinagtatawanan lang ako netong mga to hayup!!! Lalo na sila Rainier at Christopher.
After 1 and 45 minutes na tapos na rin!
Pumunta kami sa food court para kumain, pero pinagtatawanan nila ko!
After naming kumain nagdecide na kaming umuwi at magpahinga, linggo naman bukas so pwede akong umuwi ng gabi.
9pm na ng nakasakay ako ng bus papuntang cavite, pero hinatid ko muna si teptep sa sakayan ng jeep. Konting lakad lang naman papunta sa bus eh.
Nakarating ako sa bahay online muna saglit at natulog.
Nagdasal ako at nagpasalamat.
“Lord Thank you!”
A/N: Nasa gilid yung Music Video ng Chinito ni Yeng. isa sa mga OST ng Hindi Siya,Kundi Ako :)
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...