Chapter 56

4K 46 0
                                    

Patricio’s POV

Masaya akong nakicelebrate ng new year kasama ang Valencia Clan, ang saya nila kasama welcome na welcome ako dito, nakakatuwang isipin na kahit ganito kami ni Teptep eh, tanggap na tanggap nila kami lalo na yung lola ni teptep sobrang tuwang tuwa sakin, ang gwapo gwapo ko daw sana ako na lang daw apo niya.

Yung mga pinsan naman ni teptep mga ka-age lang namin 20 na yung pinakamatanda, yung mga pinsan niya sobrang daming kwento tungkol kay teptep, na kesyo pilyo nga daw nung bata

After ng putukan, NG FIREWORKS at ng iba pang fire crackers, pumunta kami ng mga pinsan niya sa tabing dagat, Gawain daw nila ito every nag new new year sila dito sa batangas. Dito daw sila kumakain ng kung ano ano!

“Alam mo ba bro yang si teptep nung bata yan sobrang pilyo nyan!!!” sabi ni Lester

“Oh pano?” sabi ko

“Kasi every summer dito kami nagbabakasyon nila teptep, iniiwan kami dito ni tita at ni mommy ko tapos etong si teptep yung palaging napapagalitan ni lola kasi kung ano ano ginagawa! Katulad ng tuwing nagsasaing si lola, pag paluto na yung sinaing bigla niyang lalakasan yung apoy edi yung kanin naming sunog hanggang taas, tapos ang hilig magsindi ng apoy, yung mga dahon dahon sa likod bahay laging kukuha ng gas at posporo tapos pasisilabin, tapos yung walis ting ting ni tita astred lagi niyang sinusunog! Ang natitira yung hawakan na lang!”

Natatawa ako sa mga kwento ni Lester tungkol kay teptep, matrip din pala to nung bata siya! Sino bang bata ang gagawa na lalakasan yung apoy ng sinaing?

“kaya yang si teptep ang laging hampas samin eh! sobrang kulit! Laging nangangagat pa! parang aso! Tapos ang hilig maligo sa dagat niyan!!! Naalala ko nun, bawal kami maligo sa dagat ang ginagawa niya, magbbrief lang siya tapos uuwi siya ng basang basa yung brief niya magpapalit bigla siya pagdating namin”

Ahhhhh kaya pala magaling maglangoy at sumisid eh!!! daig pa ko 12ft na yung nilalangoy naming pero kaya niya parin! Ako nalunod na remember?

Habang nasa tabing dagat kami, kausap niya yung mga friends niya dito sa batangas di ko parin maiwasan tignan siya, bakit iba ang tama ko dito, iba yung dating niya eh. sobrang nakakatuwa yung mga ngiti niya, ang ganda ng mata lalo na yung pilik mata niya!!! Hay habang tumatagal lalo akong naiinlove dito kay teptep.

“Pero bro, nagbago lahat nung namatay yung tatay niyang si teptep”

“Bakit ba? Kasi tuwing tinatanong ko kung bakit namatay yung tatay niya ayaw niyang pagusapan”

“Wag kang maingay na sinabi ko sayo to ha? Ayaw niya talagang pinaguusapan yung tatay ni teptep, kasi nung malaman ni tito cris na hindi nga straight itong si teptep, binugbog siya nito, maski kami awing awa nung mga panahon na yun sa kanya, ewan ko ah? Pero mahal na mahal ni teptep yung tatay niya eh, he used to be a daddy’s boy pero nung ngang malaman niya di na siya pinapansin ni tito cris”

“Bakit ba namatay yung daddy niya?”

“Nabaril yung daddy niya, sa may bambang. Nung una naming makita yung reaksyon niyang ni teptep nung namatay si tito maawa at maaawa ka sa kanya, kasi nung nalaman naming lahat na dead on arrival na pala, hindi muna namin sinabi sa kanila, pumunta lang kami at pinakalma muna yung buong bahay nila eh kaso tumawag si tita na ayun patay na nga daw, ehh ayun nagwala na siya”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon