Patricio’s POV
Hi!! Namiss niyo ba kami ni Baby siopao ko? :”> Yiee!
Well, tagal na naming no? going strong parin kaming dalawa, ang sikat ko dito sa school eh!! May mga tropa din ako dito sa school na to pero kailangan mag focus muna ako sa studies, dean’s lister over here!! Medyo Mayabang.
Tooooot tooooot ♫
Message tone ko yun.
From Rainier:
Fre!! Rainier to!! Tara noms tayo mamaya!! Space 11pm!
Sama kaya ako? tutal wala naman akong gagawin bukas? Tapos narin naman ang midterms! Sige sama ako!!!
To: Rainier
Sige fre! Sama ko! Kita kits maya!
At nagreply din naman ito kaagad
From: Rainier
Sige, wag mo ng isama si Teptep ha? Boys night out ito!
Ayy bakit anong meron? Haluh bakit ganun! Okay lang minsan lang naman to eh! papaalam na lang ako kay bebs.
To: Baby Siopao
Siopao! Aalis daw kami nila Rainier mamaya, party daw later.
From: Baby Siopao
Sige, wag kang papakalasing ha? Umuwi ka ng maaga wag umaga! Sige na dami ko pang ginagawa eh, love you! <3
To: Baby Siopao
Thank you siopao!! Love you too!!! <3
Ayun oh!!! Party later!!!
Maaga pa naman, so chill muna surf muna ng net!!
7pm nag start na ko magaayos ligo muna, pabango pabango din pag my time!! 2hours pa byahe ko mula Cavite hanggang QC!! Namiss ko tong mga pare ko ha!!
At saktong 11pm nakarating ako ng morato!
“Patricio!! Kamusta na!! Long time no see!!!” bungad sakin ni Rainier sakin
“Ayos naman fre! Kayo kamusta na?” bati ko naman sa kanila
“Pareee!! Kamusta ka na!!!” bati sakin ni Christopher
“Ayos lang ayos lang!” sabi ko
“Tara party na tayo! Mang chix na tayo!! Yeaaaaah!! \m/” sabi ni Christopher
At nagsaya kami buong gabi!! Ang laya ko ngayon!! Parang single na single ako, nakakalimutan ko na may karelasyon pala ako ngayon! Kung ano ano ginagawa ko!
“Fre! Mukhang nasasarapan ka diyan ah!!” sabi ni Rainier sakin
“Minsan lang naman to eh! pagbigyan mo na!!” sabi ko
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...