Chapter 62

3.6K 59 8
                                    

“Teptep?”

Hindi siya lumingon, pero hinabol ko parin.

“Teptep!”

Lumigon yung lalaki.

“Yes bro? may problema ba?”

“Ayy sorry, akala ko ikaw yung kaibigan ko dati”

“Ahh ganun ba, sige una na ko”

Medyo napahiya ako ng konti doon, akala ko kasi si teptep, medyo mag ka-aura kasi sila iba lang ng pananamit. Tumalikod ako at naglakad lakad, tumingin ako agad sa skating rink, gusto ko dun tumambay, wala eh parang may magnet kasi na pinipilit akong pumunta dun ewan ko ba. Agad naman akong dumiretso papunta dun, at may nabangga akong isang lalaki. Natapunan niya ko ng frappe niya,

“Ahhhh shit!!! Sa susunod nga tumingin ka sa dinadaanan mo!” sabay pagpag ko sa damit ko

“Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo! Lakas ng loob mong magalit ikaw tong tatanga tanga sa daan!” narinig ko yung boses ng lalake, unti unti kong inangat ang ulo ko.

“Teptep?!”

At unti unti niya ring iniangat ang kanyang paningin.

“Pa-Patricio?”

“Teptep! Ikaw nga, ahhhh ehhhh ahh ke-kelan ka-kapa dumating?”

“Ahh ehhh la-last week lang, sige mauna na ko”

“Teptep, ahhh wait, pwede makausap ka muna? Coffee muna? Please?”

“Sure sige, walang problema”

Hindi ko alam yung pakiramdam ko masaya,kinakabahan,malungkot ewan halo halo na eh pumunta kami ni teptep sa isang coffee shop dito sa MOA, pero dumiretso muna ko sa restroom dahil sa natapon niyang frappe.

“Ano gusto mo tep? Treat ko na to”

“Sige kahit ano na na lang dyan”

“masarap siguro yung kahit ano no? hahaha”

Nanatili siyang nanahimik si teptep, medyo naging seryoso

“Eto na lang, sige hanap na kong upuan”

Umorder na ko, at ng nakuha ko na ito ay agad kong hinanap si teptep, nakaupo siya sa may dulo, pumunta ko dun inilapag ko na yung mga order namin

Pagkaupo ko, nabalot ng katahimikan, kumain muna siya. Pero ilang minuto ang nakalipas binasag ko ang katahimikan

“So kelan ka nakabalik dito sa pilipinas?”

“Kakasabi ko lang kanina, last week pa”

“Ahhh oo nga sabi ko nga”

Nabalot ulit ng katahimikan

“Kamusta ka na? tagal din natin di nakapag usap”

“Ano ba sinasabi ng lahat pag tinatanong sila ng kamusta diba ok lang?”

“Ahhh oo nga”

Nararamdaman ko na hanggang ngayon masama parin loob niya sakin, hindi naman kasi ganun kadali kasi makamove on para sa part niya

“Teptep?”

“ano yun?”

“Naalala mo yung nag ice ska—“

“HINDI NA”

“ahhh” yumuko na lang ulit ako

“Teptep galit ka pa ba sakin?”

“Hindi na ko galit pat, ano ka ba.”

“Bakit ganyan yung asal mo sakin”

“Siguro dahil lahat ng sugat may peklat”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon