Chapter 46

4.1K 53 1
                                    

A/N: Sinong kinilig sa GGV Episode kanina? Kakilig sila Gerald at Rayver hahahaha :) Bromance yan ihhh <3

Stephen’s POV

Monday na bukas! Kaya kailangan kong matulog ng maaga ngayon, madaling araw kasi ang byahe naming nila Patricio papuntang baguio kailangan kong gumising ng 3am para maghanda

“Stephen okay na ba yung mga gamit mo? Eto yung passport mo oh, para san ba talaga yan? Baka mamaya magibang bansa kayo ha!”

“Okay na po, nakaimpake na po lahat. Ewan ko nga po dun, pwede namang birth certificate bakit passport pa kailangan no?”

“Ahh bahala ka, basta walis tambo ha?”

“oo mama, hampas ko sayo pagdating ko”

“tigilan mo ko Stephen ha!”

“Joke lang eto naman!”

GGV ngayon! Kailangan matapos ko muna to! Siyempre di ko pwedeng palampasin to no! para pag natulog ako Good Vibes! Oh diba? Buong week Good Vibes!!!

Super LAUGHTRIP ng Episode ngayon!! Ansakit sa pisngi!!

After kong manuod, humiga na ako at natulog, kanina katext ko pa si Noo para paaalala sakin mga kailangan masyadong excited si mokong!

Ipinikit ko na ang mata ko at natulog

Minulat ko ito agad 3am na! gising na!!!

Pagkagising ko siyempre minulat ko yung mata ko tapos, tumayo ako sa kama ko.

“5 minutes!” sabi ko ehhh bawal baka malate ako

Naginit ko ng tubig sobrang lamig kasi, September na kasi kaya medyo malamig na ang umaga.

1…

2..

3……

BUHOS!!!

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ang init!!!” tanga di hinaluan ng tubig galing sa gripo! Buti na lang di ko nabuhos lahat!! Kung hindi lapnos balat ko! Nilagyan ko ng tubig na galing sa gripo, nagising diwa ko! Hahahaha ang init talaga.

After kong maligo, nagbihis na ko. Yung simple lang muna. Sinuot ko yung gown ni mommy nung JS joke, simple tshirt lang tapos skinny jeans tapos loafers. Para simple lang pero titignan mo ko mula ulo hanggang paa. Pero tititig ka sa sapatos ko. Kasi yun lang maganda! Sakit eh!

Tinext ko siya kagabi na pag saktong wala pa siyang 4am dito sa bahay di kami tutuloy!!! Tinakot ko! Pero di na nagreply ang mokong tulog na ata!

Nasa sala ako 3:50am na pero wala pa siya ang excited ko no? tinignan ko ulit iphone ko 3:50 parin walang nagbago.

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon