After 4 years….
Ano ba ang nangyari sa amin ni Patricio pagkatapos ng apat na taon?
Mas naging malalim pa ang naging samahan namin ni Patricio, mas tumatag mas lumalim, mas naging mature kami, ano ba? 21 years old na kaya kami!!! And going strong!!! Hahahaha
“Guys!!! Last term na natin oh my god!! Graduate na tayo!!” sabi ko
“Oo nga!! Kaya natin to!! WAG NIYO NG IBAGSAK YUNG RIZAL UTANG NA LOOB!!” sabi ni Marhorie
And yes kaming apat na lang nila Marhorie,Aryang, Pupil at Kate ang natira dito sa FEU-EAC maski si Patricio, bumitaw, hindi niya na kinaya, sobrang nahihirapan daw siya kaya nagdecide siyang lumipat sa Lyceum, every week naman nagkikita kami eh, minsan araw araw minsan 3x a week, Psychology ang kinuha ng loko!!! Pero okay naman yung grades niya, 2nd year na siya at REGULAR student oha?
Marami naring umalis, Sila King, Quincy mga hindi na kinaya ang mga naging subjects namin dito lumipat din sila tapos nung nasa kalagitnaan kami ng 2nd term.
1st subject naming yung Rizal at yun lang ang subject namin ngayong araw, after nun didiretso na ako sa ABS-CBN kung saan intern ako sa Graphics and Animation Department.
Nagsawa narin ako makita si Vice medyo nagretire na ko sa pagiging faney niya, siyempre matanda na ko no, almost 4 years din akong naging faney nun eh! pero friends naman kami gumigimick kami minsan sa may Space, after ng intern ko dito sa ABS.
10am ang pasok ko sa Intern maaga pa naman 8:40am pa lang naman kaya kumain muna ko sa 7 eleven. Kasama ko sila Marhorie.
“Sis, anong oras pasok mo?”
“10 am pa”
“Ahh sige”
After ko mag snack eh dumiretso na ako agad sa ABS may mga new friends akong nakilala mga intern din from La Salle-CSB,Lyceum at marami pa
Nung nasa ABS na ko, biglang nagtext sakin si Noo
“Good Morning Siopao!!” biruin niyo after 4 years siopao parin tawag sakin nito? Diba aminado na kong pumayat na ko ha?! Pero ganun parin!!
“Good Morning Noo!! May class ka today?”
“Yup!!!”
“Oh aral mabuti ha?! Dito na ko ABS start na ng intern ko! Dinner tayo tonight!”
“Sure, sunduin kita diyan ha?”
“Sige! :)”
My future starts today!!!
After 8 hours nag out narin ako!! almost 6pm na ko lumabas ng ABS
“Siopao dito ako Mcdo Abs naka park ha?” text niya sakin
Pumunta naman ako sa may mcdo at nakita ko rin yung sasakyan niya, diba medyo sosyal na itong si Patricio, binilhan ng sasakyan eh!!! hahahah
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...