Stephen’s POV
“Alam mo teptep, miss na kita, miss na miss na kita.”
Nagulat ako sa sinabi ni Mike. Ano ba? Sasagutin ko ba to? Teka di pa nangliligaw sagot agad? Okay malandi over here.
“Ahhh hehehe ako rin naman namiss ka namin”
“Alam mo ba nung hiniwalayan ako ni Cherry? Ikaw agad unang naisip ko, kasi teptep, nalaman ko kela Aso yung nangyari sayo nung naging kami ni Cherry”
“Ahh wag mo ng intindihin yung dati pa yun eh!!!”
“Kaya nga kahit na nangyari na dati yun gusto kong magsorry, sorry sa sakit na naramdaman mo nun na dahil sakin, kasi nararamdaman ko rin siya ngayon”
“Okay lang”
“Namimiss ko nung bestfriends na tayo!! Naalala mo yung pauwi tayo nung galing sa retreat! Nasan na nga bayung pabango mong yun?”
“Naubos na siya, pero alam mo bumili ulit ako ng panibagong ganun ang mahal pala nun 3,500. Andito nga pala sa bag ko yung perfume!”
Nilabas ko yung pabango ko, bago ako pumasok sa college, pinilit ko talagang pagipunan at bilhin yung perfume na yun, kasi parang pagnaamoy ko naaalala ko siya, pero sa kabilang banda naamoy at naaalala ko yung sakit na naramdaman ko dati.
“Eto oh”
“Salamat! Pwede pa spray?”
“Kapal ng mukha mo inubos mo na nga yung dati sakin nyan eh!!”
“Sige na please?” pouty lips teka? Si pat ba to?
“Sige na konti lang ah!!!”
“Alam mo teptep? Matagal ko ng hinahanap itong pabango na ito eh! Di ko kasi matandaan yung pangalan. Kasi tuwing naamoy ko ‘to naalala kita.”
A/N: nasa gilid yung picture nung perfume :)
“Ahh ganun? Hahaha” tinawanan ko na lang.
“Ahhh drakkr noir pala pangalan nito, papabili rin ako kay mommy ng ganito para parehas tayo!”
“Nice, sige”
Habang naglilibot libot kami napagdesisyunan naming manuod ng Sine 25, ang palabas Insidious, namiss ko bigla si Patricio.
Katabi ko si Mike, pero may hinahanap hanap ako eh, yung ingay yung sigaw! Asan yun? ASAN KA BA KASI PATRICIO VASQUEZ? :(
Napanuod ko na naman to eh kaya natulog na lang ako.
Pero nagising ako bigla dun sa sigaw ng isang tao!! BAKIT ANG INGAY ANONG MERON? HAHAHA
Pero infairness diba ang good vibes ko? Dati rati kasi pag kasama naming tong si Mike hindi ko magawang pumunchline hindi ko magawang maging hyper.
Pero naramdaman kong hawak ni Mike ang kamay ko. May naaalala ako. Si Pat, urghhhh bakit ba puro ba yung Noong yun ang lagi kong naaalala!!! >_< di ko na nga pinapansin yun eh!!! Bahala siya sa buhay niya!!!!
“Uhmmm Mike bakit mo hawak kamay ko?”
“Ayaw mo ba?” sabi ni mike
“Hindi pero ka—“
“Namimiss ko kasing may kahawak kamay eh? Pwede ba tep? Ngayon lang please? Ayoko ng maging malungkot, ayoko ng umiyak”
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...