Akala ko nung una magiging malungkot ako sa bagong taon, pero hindi pala sa amin nagcelebrate si Patricio sa Batangas. Eh kasi pupunta ng HK si Tita kasama yung isa niyang kapatid eh diba pumunta kami sa HK nung September? Kaya okay na rin to! Magkasama kami sasalubong sa New Year! Saya!!!
After 3 days na iniyak ko, may kapalit din pala. Sobrang saya! Iba yung saya ngayon eh, yung wala daot? Walang kaba, walang sagabal. Pure happiness. 31 ng umaga ay bumiyahe na kami papuntang batangas dahil mamayang gabi new year’s eve na! masaya to! Buong angkan ko andito!
Road trip kami nila mama! Nilibre pa kami ng starbucks! Buong byahe nagkulitan lang kami ng nagkulitan nitong mokong nato. Habang nasa biyahe kami biglang tumugtog yung Magbalik.
“Eheeeeem Eheeeeeeeeeeeeem” sabi ni Patricio
“Bakit anong meron?”
“Eheeeeeeeeeeem” sabi niya ulit
“Baka naman lumabas baga mo sa kakaganyan mo! Bakit nagseselos ka na naman kay Mike no? kasi siya marunong mag gitara ikaw hindi!”
“Lul! Tsss. Hindi no! Mas pogi naman ako dun, yung pagkachinito niya ang pangit di katulad ng sakin cute na gwapo pa!”
“Ang lakas ng hangin dito sa SLEX no ma?”
“Oo nga eh!” sabi ni mama
“Bakit di ba ko pogi siopao? :(“ pagdrdrama ng mokong
“Hindi!”
“Awtsuuuuuu!!!”
“ulol yan ka na naman di ka nga gwapo ikaw naman mahal ko!!”
“Yieeeee ang korni mo!!” sabi niya pero halatang namumula na yung buong mukha minsan ang cute din nitong kiligin eh, nagmumukhang sapsap
After patugtugin yung Magbalik biglang tumugtog naman yung Ikaw at Ako. pero habang pinakikinggan ko to, nakasandal ako sa kanya, inaalala ko yung nasa Starbucks siya habang nagsspeech siya nun, mukha siyang tanga pero nakakakilig yung mga sinasabi niya nun.
Pero di ko namalayan nakatulog na pala kami, nagising na lang kami ng nasa bahay na kami ng Lola ko.
“Mano po lola!”
“Oh kamusta ka na apo? Okay ka na ba?”
“Sobrang Okay na po lola!!!”
“Ayos yan apo, oh kain na, oh sino yang kasama mo? Ang gwapong bata naman niyan”
Bigla akong siniko ni Patricio, tuwang tuwa ang hayop
“Ahh la, siya po yung bagong maid namin” HAHAHAHAHAHA sumimangot ang loko
“Katulong niyo yan?!”
“Biro lang ho! Siya nga po pala si Patricio, Patricio Viceral Vasquez ang pamangkin ni Vice Ganda at lola wag kayong mabigla ha?”
“Anooo? Pamangkin yan ni Vice Ganda!?”
“Oho! Siya nga po pala yung iniiyakan ko nung isang araw”
“Ahhhhhhhhhh so siya pala ang boyfriend mo?! Ang swerte mo Patricio! Sana wag kang maumpog diyan ha? Para di ka matauhan”
“Lola naman eh!!!!!”
“Biro lang!”
Umakyat muna kami dun sa parang terrace dun, nag hihi muna ko dun sa iba naming kamag-anak, tinatanong kung kamusta na nga daw ako? mga ganun! Pero itong si Patricio naka simangot!
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...