Chapter 18

5.3K 76 2
                                    

Stephen’s POV

Masyadong naging masaya ang first term ko na hindi ko na pala namamalayan napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. May mga subjects ako na hindi ko naiintindihan pero sinisikap paring intindihin.

2 weeks na ng nakalipas nung nanuod kami ng sine kasama ang iba naming blockmates.

At mas lalo pa kaming naging close ni Patricio :”>

Kulitan! Asaran! Batukan! Bangayan! Walang araw na nagdaan na hindi namin ginagawa ang isa sa mga bagay na yan.  

Tuesday, NSTP nag decide kaming lahat na wag pumasok dun kasi nakakatamad. Hahahaha ang bait naming estudyante. Pumunta kami sa SM Manila nanuod ng Insidious here we go again, tili to the max na naman ang hayup parang hindi lalaki nyemas.

Nasa foodcourt kami habang kumakain, nagpupunas siya ng noo niya inaayos niya yung bangs at patilya niya

“Ang taray ng noo mo no? Pwedeng gawing paliparan, Domestic at International pa! Hahahahaha” tawa kong sabi

“Ah ganun? Lul ka!”

“Okay! Hahahahaha”

“Che siopao!”

“Che Karin! NOO!”

After kumain sa foodcourt napagusapan na dumaan pumunta daw sa Intramuros! Eh medyo makulimlim na nuon! Tumambay kami dun sa may tapat ng Letran.

Habang nagtatawanan kami, naalala ko nga pala dito nagaaral si Mike sa Letran, Management kinukuha niya. So talagang alam ko? Di pa rin ba ko maka move on?

Habang nagpipicture-ran, tawanan, laitan. Sa di kalayuan may nakita akong pamilyar na mukha, si Mike.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong magtago, gusto kong umalis!  Nakikita kong papunta si Mike sakin!

“Hoy teptep! Kamusta?” so kamusta talaga, parang walang nakaraan de joke echos lang.

“A-ayos na-naman” nangangatal kong sabi.

“Sino yang kasama mo boyfriend mo?” sabi niya saba’y turo kay Patricio.

“Hah? Hindi ah! Blockmate ko lang yan!”

“Ahh ganun ba, uy sige tep. Alis na ko may next class pa ko eh. Sige bye!”

“B-bye”

Ganun lang ang naging paguusap namin ni Mike. Ewan ko gusto ko pa sana magtagal paguusap naming kaso wala eh. Nangatal eh.

Bumalik ako kung saan kami nakatambay nila Marhorie at ng blockmates ko.

“Sis! Sino yung guy na kausap mo kanina?? Ang gwapo niya!!!” sabi ni Marhorie

“ahh batchmate ko nung high school” at first love

“Ahh ganun? May girlfriend na ba yun? Pakilala mo ko!!!” sabi ni marhorie na namumula na. minsan etong kaibigan kong babaeng to malandi rin eh, sara ipakaladkad sa kabayo.

“Malay ko, ngayon na lang kami ulit nagusap eh”

Nakita ko naman si Patricio na kausap yung mga guys. Pabayaan mo na, araw araw ko ng nakikita mukha neto baka magkasawaan mukhang angel pa naman hahaha

Pero nung nakita ko ngayon si Mike? Bumalik yung dating sakit. Akala ko kapag makikita ko na siya, okay na. okay na ang lahat kaso hindi pa pala, ansakit parin. Sana kaya kong sabihin na masaya ako. Masaya ako para sa kanya at para sa sarili ko.

Masaya naman talaga ako eh. Kaso may kulang.

Lumapit sakin si Patricio.

“Hoy siopao, sino yung kausap mo kanina ha?!”

“gusto mo ba talagang malaman kung sino siya?” sabi ko

“Sino nga?”

KISS MUNA! De joke wala yan sa sinabi ko

“Siya lang naman ang dahilan kung bakit napakahalaga sakin ng kantang Magbalik, siya lang naman ang dahilan kung bakit nasaktan ako ng sagad sagad nung highschool. Si Mike”

“Oh bakit niya ko tinuturo kanina?”

“Akala niya kasi boyfriend kita! Eh ang sinabi ko katulong ka lang naming na na pinagaral ni Papa! Hahaha” bigla akong nag good vibes! Walang panahon para mag iyak iyakan pa ko! Ubos na luha ko nung high school pa!!

“Luuuuuuuuuuuul !!!!”

“Che! Noo!!! Hahahahaha”

At biglang lumakas ang ulan!!! Mga walang dalang payong hahaha!!! Nabasa kaming lahat sa ulan!!! Kasi alam niyo dapat pag umuulan, kung wala kang payong, makisilong ka na lang kung saan meron, eh kung wala kang masilungan, ienjoy mo na lang daw ang ulan. Kaya eto ineenjoy namin nila Marhorie, Quincy, King at iba pa! ang saya!!! Maski yung sapatos ko nagsalita na! bumuka na siya ang basang basa yung medyas ko pero mantakin niyo? Hindi nabasa yung paa ko! Pano nangyari yun no? Hahahahaha

After naming ienjoy ang ulan, nagpaalam na samin si Patricio na uuwi na siya total naman eh dun naman na yung sakayan niya.

“Bye Noo!!!!!” sigaw ko sa kanya.

“Bye siopao!!! Wag mong intindihin si Mike ha?!” sabi niya

Nginitian ko na lang siya habang pasakay ng bus pauwi sa kanila

Isang jeep kaming bumalik ng FEU. Sobrang basang basa na talaga kami. Ang lakas parin ng ulan grabe, may bagyo ba?!

Isa isa narin kaming naguwian umuwi ako at napagalitan.

Nakarating ako sa bahay ng 6pm

“BAKIT KA NAGPAULAN!!” sabi ni Mama

“Bakit ka rin sumisigaw?”

“Wala lang trip ko lang, problema mo? Mag banlaw ka nga dun!”

Pumunta na ko sa kwarto ko, nagpalit muna ko ng damit at nagpatuyo, humiga ako sa kama, nakalimutan kong magbanlaw. Kaya pagkagising ko inaapoy na ko ng lagnat

Pagkagising ko ng 8pm ayun na nga nilalagnat na ko. Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan naming na parang debut ko. May sakit na ko niyan ha pero nagagawa ko paring magbiro

“Ma-maa”

“Oh bakit?” napansin niyang medyo matamlay at namumutla ako bigla akong hinawakan ni mama si NOO at leeg.

“Ang init mo anak!!!! Kumuha ka ng yelo at tubig, ilagay mo diyan sa ulo mo tapos kumuha ka ng gamut dun sa ref. uminom ka nun”

Napaka maaalagain talaga ni mama ako pinaggawa ng lahat ng yun alam ng may sakin ako!

“Biro lang, akyat ka muna. Magpahinga ka, sabi kasi sayo magbanlaw ka eh! Yan ano napala mo.”

“Sige, sorry ma”

“Ok lang akyat ka na.”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon