Chapter 21

5.2K 67 1
                                    

Patricio’s POV

Paglabas ko ng Village namin,  sumakay ako ng tricycle papunta sa sakayan ng bus papuntang Lawton. Ang lakas ng ulan may bagyo ba?! Nagaaalala kasi ako kay Teptep! Iba yung boses niya kanina habang kausap ko siya sa phone. Baka may mangyari sa kanyang masama.

Ang traffic!!! May mga nadaanan kaming baha na, sobrang lakas talaga ng ulan ngayon, mala ondoy ito. Akala ko etong bus na sinasakyan ko eh maiinstranded buti nalang magaling si manong driver. Kahit halos 2 oras na kong nasa bus.

Saktong  alas-diyes nasa Lawton na ko, sobrang baha din. Nagtaxi na ko papunta kela Teptep, kahit na nasa 600 na yung nabayaran ko sa taxi okay lang basta mapuntahan ko lang siya, malaman ko lang na ligtas na siya ngayon.

Magaalas-onse na nang makarating na ko sa lugar nila teptep, ang lakas parin ng ulan. Pagbaba ko sa gate ng bahay nila nakasarado na yung pintuan at nakapatay na yung ilaw katok ako ng katok pero walang nagbubukas sakin iniisip ko baka mamaya naisugod na sa hospital si teptep pero sana naman hindi mangyari yung dahil ayokong mangyari yun.

Habang basang basa ako sa ulan, sigaw parin ako ng sigaw!

“TEEEEEEEEEEEEEP TEEEEEEEEEP!!!”

Bumukas yung ilaw sa baba at bumukas pati pintuan, yung mama niya

“Iho sino  ka ba? Basang basa ka na ng ulan oh! Si tep tep andun sa kwarto niya nagpapahinga.”

“Tita ako po si Patricio, blockmate po ni teptep, kasi po tumawag ako sa kanya kanina nanginginig po yung boses niya tpos sabi niya nilalagnat daw po siya”

“Halika na sa loob, magpatuyo ka, basang basa ka sa ulan! May door bell naman kasi kami di mo pinindot”

Ang tanga ko syet di ko napansin :|

Binigyan ako ni tita ng towel at white v-neck shirt, pinainom muna niya ko ng juice pinahiram din niya ko ng tsinelas, ang bait naman ng mama ni teptep.

“Sinabihan ko kasi yang si Stephen na magbanlaw pagdating eh! Basang basa sa ulan pagdating dito ayun pagkadating nagpalit ng damit natulog eh pag ganun yun talagang lalagnatin yun, tigas kasi ng ulo eh” sabi ni tita

“Ahh ganun po ba?”

“Iho taga saan ka ba?” tanong sakin

“Taga cavite po”

“Ano? Taga cavite ka pa?! dumayo ka lang dito para lang puntahan si Stephen?! Grabe ka alam ba sa inyo na pupunta ka dito?”

“Uhmm hindi po tita eh, pero tatawagan ko na lang po si mommy mamaya”

“Sigurado ka iho ha? Ang lakas kasi ng ulan eh, nga pala wala na daw kayong pasok bukas inaannounce na sa tv kanina pa.”

“Sige po tita thank you po”

Konting minuto lang ay umakyat na kami ni tita sa kwarto ni teptep, nakapunta na ako dito dati, dahil sa NSTP barangay nila kami nagpunta. Akala ko nung una etong lugar nila teptep eh yung puno ng mga sira ulo kaya takot na takot akong pumunta kasi nga tondo pero iba dito sa lugar nila ang tahimik nga eh.

Nung pumasok si tita sa room ni teptep hindi muna ako pumasok.

Narinig ko mula sa loob ng kwarto ang sinabi ni teptep

“Ma pano makakarating dito yun? Eh sa Cavite nakatira yun, kakatawag lang sakin kanina nun”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon