Patricio’s POV
Hi ako nga pala si Patricio Vasquez 17 years old, from Cavite. Chinito with Braces, maputi, matangkad isa yan sa mga katangian ko. petiks lang ako nung High School, nakakapasa naman kahit papano, pano lagi akong kasali sa mga pageant sa school, ako lang naman ang nananalo laging Mr. Intramurals simula Grade 6 ako, Escort every year, JS Prom King nuong 3rd year at 4th year ako. Buhay ko ay computer kaya nga IT kinuha ko diba? With specialization in Digital Arts nga lang, nakaka 3 girlfriend na ko pero simula ng iwan ako nung huli kong girlfriend hay.. wag na nating pagusapan.
Bunso ako sa 5 magkakapatid lahat sila Babae, ako lang only boy! Buti di ako natuluyan? Hahahaha joke lang tigasin to. Hahaha Dota, Ragnarok, Cabal yan ang mga naging buhay ko, wala eh ganito ako, sunod luho naman lahat.
Ang tatay ko nasa Dubai dun nagtatrabaho pero yung 2 kong ate nasa Hong Kong dun narin nagtatrabaho. Kaya kaming 4 na lang nila mommy ang nandito sa bahay namin.
Ang biyahe ko from Cavite to Manila laging 1 ½ hours bus lang lagi, mas pinili ko kasing mag-aral sa manila kasi gusto ko naman maia yung environment ko, kailangan kong gumising ng 4 am para lang makapasok ng 7 AM class ko. Nung first week ng school, sobrang excited ako! Maghahanap kasi ako ng chicks! Balita ko kasi maraming chicks dito sa FEU May mga naging kaibigan din akong adik sa DOTA! Kaya ayun hayahay ang buhay.
First Day namin pumasok ako, duon ko nakilala sila JR, Ejay at Olan mga adik din sa DOTA kaya naman pala nagkasundo kami!
“Ano mga par? DOTA tayo? Sa D5! Mamayang Vacant natin?” sabi ni Ejay
“O sige okay! Ayos yan!” sabi ko
Vacant namin. NagDota kami sa D5.
Hindi na naming namalayan na 3 na pala ng hapon dahil sa kasarapan ng laro! Hindi ako naka attend ng 2 klase ko, ayos lang ang sarap naman maglaro ng DOTA hahahahahahaha
After naming mag DOTA umuwi na agad ako, pagdati ko ng bahay sa sobrang pagod tulog agad ako,
Haba ng itinulog ko! Nagising ako 10 AM na!
“Nak ng teteng namang oo! late na ko sa first subject ko! Hindi pa lang pala late! Absent na! pabayaan na nga! Absent narin naman ako kahapon!”
Byahe from Cavite to Manila
11:30 ako dumating sa school, 1pm pa next class ko, NSTP wala namang gagawin ata dun
Tinext ko sila Ejay sabi ko magkikita kami sa D5 at magDODOTA kami.
1:30pm na kami natapos mag dota, umakyat na kami sa 9th floor dun daw NSTP namin.
Pagpasok namin nandun na yung mga pamilyar na blockmates ko kahapon dun narin kami umupo sa malapit sa pwesto nila,
Blah blah blah
Blah blah blah
Blah blah blah
Blah blah blah
Blah blah blah
Blah blah blah
Tagal mag uwian oh. Antok na ko tagal ng sinasabi netong instructor namin!!
“Guys! You need to create a group with minimum of 10 members and maximum of 12 members”
“Okay sir”
Naghanap kami ng grupo nila Ejay.
“Hey guys may grupo na kayo?” sabi nung bakla, popol ata pangalan nun
“uhmm wala pa” sabi ni JR.
“4 lang ba kayo? Dito na kayo samin, para sakto ng 12!”
“ok sige” sabi ni JR.
Naghihintay lang kami ng gagawin. May pina fill up-an samin etong lalake, lalake ba to oh bading rin? Ewan ko. Bahala siya.
Pagdating sakin nung finifill up-an ko
“Teka? Spanish ka?” sabi netong lalake este bading nalaman ko na sa boses.
“Hindi” masungit kong sabi.
“Ahhh”
Anong problema neto? Spanish daw? Eh Chinito nga ako? Abnormal ata to eh, may gusto siguro sakin to. Sabagay gwapo naman ako eh, andaming nagkakagusto sakin dun sa lugar namin.
Pagkatapos fill up-an dinismiss na kami nung instructor.
Pero napapansin ko yung bading na sulyap ng sulyap sakin, tinitignan ko rin naman. Pero lilihis siya ng tingin.
“Pre, anong pangalan nung bading na yun?” sabi k okay jr
“Sino dyan?” sabi nya
“Yung naka stripes na blue and gray”
“Ahhh sa pakakarinig ko Teptep tawag nila”
Ahh teptep, magaling kaya to magdota? Hahaha Dota na naman!
Pero isa lang masasabi ko ditto.
I find him attractive and cute.
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...