Clare’s POV
Hi guys! So eto na ang POV ko! I’m Clare Anne Batungbakal, 17 years old at isa lang ang baby boy ko sa buhay! Si Patricio Vasquez! Mamatay ang umagaw sa kanya! Nagaaral nga pala ako sa OLFU-Antipolo Campus pero nag High School ako sa St. Clare Academy, Pinangalan talaga sakin yung School, ewan ko nainsecure ata sakin yung santong yun. At anak ako ng may ari ng school na to.
Nagbabalak akong lumipat sa FEU-East Asia College, same course ni Patricio Vasquez, wala lang para Makita at makasama mo siya miss na miss ko na kasi yun eh. Nagbreak kami kasi nga hindi siya tumataba eh gusting gusto ko ng matataba eh sobrang patpatin kasi siya! Ang payat payat ang lamya lamya!
Naalala ko nun date naming dalawa, Monthsarry namin.
Flashback
“Babe, kain tayo sa Love Desserts!”
“San yun?” sabi ni Pat
“Sa may Bacoor daw”
“Sige babe!”
Kumain kami ng kumain! Ang sarap ng mga desserts! Ang dami! Pero napansin ko ako na lang pala ang kumakain! Ayaw niyang kumain! Nabwiset ako!
“BABE KAYA KITA DINALA DITO PARA KUMAIN KA, PARA TUMABA KA DIBA SINABI KO SAYO GUSTONG GUSTO KONG TUMABA KA?”
Medyo napataas ang tono ng boses ko, naging Mariah, Regine at Charice all in one.
Nagulat siya sa sinabi ko
“Babe kung talagang mahal mo ko, kahit mataba o payat ako, mahal mo ko!”
“Kahit na yun ang gusto ko! Kung ayaw mo! Mag break na tayo!”
Umalis ako, nakakainis siya! Ayaw niya yung gusto ko! Yun ang gusto ko wala siyang magagawa!!!
Grumaduate na kaming batch ng 4th year sa St. Clare Academy, lahat ng batchmates ko alam ko kung saan sila magaaral, yung iba dito rin sa Cavite, sa FEU Silang, Lyceum Cavite at sa Perpetual.
Pero si Patricio hindi ko alam kung san magaaral
Pero MALAKAS AKO! Di pwedeng hindi ko malalaman kung saan magaaral si Patricio! Tinanong ko sila isa isa pero walang nagsasabi, ang ginawa ko, nilabas ko ang wallet ko at naglabas ng 5,000php sa magsasabi kung saan magaaral si Patricio.
At nalaman ko, pero sinabi sakin na wag ko daw sabihin na siya nagsabi kasi daw sikreto nga daw ito ni Patricio. Sa FEU-EAC nga talaga siya magaaral
End of Flashback
Nalaman niyo na kung bakit kami naghiwalay? Ang babaw ko no? dahil lang sa kagustuhan ko? Eh wala eh yun nga gusto ko! LAHAT NG GUSTO KO DAPAT NATUTUPAD.
Patricio’s POV
Shit! Par! Nakilala ko rin itong si Selena! Ang cute niya!!! Para siyang si Thumbelina sa sobrang liit! Pero salamat parin kay Teptep dahil siya nagpakilala sakin! Kaso nagalit nga kasi kinain ko yung Carbonara niya!
Umuwi na pala si Teptep, sabi niya magCCR lang daw siya di naman :(
Habang naglalakad ako pauwi nakasalubong ko yung batchmate ko nung High School, si Carlo! Isa rin sa mga kadota ko dati!
“Patricio?! Ikaw bayan?!” rinig kong sabi ni Carlo
“Carlo!!! Dito ka pala sa FEU nagaaral di ka nagsabi! Akala ko FEU Silang ka!”
“Eh wala eh, dito rin napunta! Kamusta ka na pala! Ano ng balita!”
“Eto pa dota dota na lang din hahaha”
“Alam mo na ba yung balita sa Mama Ex mo?”
“Ha? Mama Ex?”
“Ex-Girlfriend mo si Clare! Lilipat daw siya dyan sa FEU-EAC! Para daw makasama ka!”
Totoo kaya sinasabi ng mokong na to? Kung totoo man? Di pa ko prepared di pa ko mataba!
“Totoo ba yang sinasabi mo? Sino ba nagsabi sayo niyan?”
“Si Samantha!”
Girlfriend ni Carlo si Samantha, na bestfriend naman ni Clare
“Ahh ganun, bahala na sige tol! Alis na ko uwi na ko ikaw?”
“May klase pa ko, last subject na. sige tol ingat”
“sige ingat din”
Umuwi na ko. Nang dumating na ko sa bahay nag check muna ako ng facebook twitter, nalaman ko yng facebook at twitter ni Selena, mahanap nga :”>
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...