Chapter 26

5K 76 4
                                    

Stephen’s POV

Pangapat na araw na simula ng namalagi dito si Patricio, andami naming napagkwentuhan tungkol sa pamilya niya

Nalaman ko na bunso pala siya sa magkakapatid nila yung 2 ate niya graduate na at nagttrabaho daw ngayon sa Hong Kong, company daw tapos si Daddy, DADDY talaga? I mean yung Daddy ni Patricio sa Dubai naman daw nagttratabaho Engineer daw yung Daddy niya dun!

Nalaman ko nung High school lagi siyang nagcucutting classes para lang magdota kasama ng barkada niya!  Kasi naman pumapasa naman daw siya lagi kasi isinasali siya sa kung saan saang pageant ng school nila eh extra activities daw yun kaya dagdag points

Nakwento niya rin sakin yung tungkol sa mga girlfriends niya! tungkol sa mga naging past girlfriends niya, nakwento niya rin sakin kung pano sila nagbreak nung last girlfriend niya, nakakabwiset talaga sobrang babaw!

“Nakipag break lang sayo yung Clare dahil gusto niyang maging mataba ka?!” sabi ko

“Oo ganun na nga!”

“Sira ulo pala siya eh, kung talagang mahal ka ng isang tao, kahit ano ka pa, tatanggapin ka niya, kahit ikaw pa si Lucifer, kasi ikaw yan eh, ganyan ka kaya dapat di ganun!”

“ewan ko ba dun sobrang babaw!!! Palibhasa kasi na-spoil anak kasi siya ng may ari ng school naming, St. Clare Academy? Ipinangalan sa kanya yung School. Diba? Ginawang santo ang hayup”

“Talaga hay nako wag lang magkikita yung landas namin! Baka kung anong magawa ko sa kanya!”

“Easy lang siopao! Relax! Hahahahaha”

“Eh nakakagigil eh!!!”

“Oh tara na bumaba na tayo!”

Bumaba kami ni Pat sa baba, maayos na ang lahat humupa na yung baha at makakauwi na rin itong si Patricio sa kanila.

“Tita! Maraming maraming maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo po sakin dito sa inyo!”

“Nako iho wala yun, eh siyempre lahat ng kaibigan ng anak ko eh welcome dito sa bahay naming kahit kelan”

“Talaga po pwede pa po akong bumalik dito?”

“Oo naman!”

“Sige po aakyat po muna ulit ako!”

“HOY BAKIT KA AAKYAT?!” sabi ko

“Eh pwede pa naman daw akong magstay dito eh! Diba tita?!”

“ang sinabi ko bumalik hindi mag stay! Baka mapagalitan ka na sainyo!”

“Kasi tita linawin niyo po eh! Sa susunod po sakay po kayo sakin pag may time po ha? Hahahaha”

“Ang pilyo mo! O sige na masyado pang malayo ang bbyahe mo pauwi magiingat ka ha! Oy Stephen ihatid mo yan sa sakayan ng jeep papuntang Lawton.”

“Opo mama”

Lumabas kami ng bahay, nakita namin ang lahat ng tao ay naglilinis sa naiwang kalat dala ng baha! Dry na ulit ng Philippines! Yehey!!!

“Oy Noo! Magiingat ka sa byahe ah! Susulat ka! Text ka na rin!”

“Ang OA mo naman!! Magkikita pa tayo sa Lunes dahil may pasok sira ulo!”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon