Stephen’s POV
Nakatulala ako habang naglalakad pauwi ng bahay naming, para akong prinogram ni Patricio na umuwi ka ng nakatulala at hawakan mo yang pisnge mo kasi di ko talaga maalis eh. Hanggang sa nakarating na ko sa bahay namin.
“huy! Bakit ka nakatulala diyan!” nagkaron na lang ako ng diwa ng batukan ako ni mama!
“Aray naman!!!”
“Bakit ka ba kasi nakatulala!”
“Wala! Akyat muna ko ma!”
“Sige”
Umakyat ako sa kwarto. Namimiss ko na agad si Patricio! Ang gulo namin sa kwartong to! Naalala ko bigla! Ahhhhh shet nakakamiss!!!
Humiga muna ko sa kama ko at natulog ulit! Ang aga naming magising kanina eh!
Nagising na ko ng 4pm ng hapon! Di ko napanuod Showtime buset di ko nakita kung anong outfit niya today!!!
Pinatugtog ko na lang yung album ni Vice yung Lakas Tama Album niya.
Pero boring pa din eh!! Wala akong kaharutan!!! >_<
Online ako sa facebook…
Walang masyadong online!!!
Twitter….. wala ring masyadong nagttweet!
Ughhhh ang boring!!!! >___<
Pumunta na lang ako ng SM San Lazaro, total naman 4 na araw akong tengga sa bahay at yung allowance ko di nabawasan.
Punta ko ng F&H walang maganda.
Punta ako ng Penshoppe. Wala akong type.
Punta ako ng Oxygen. Eto rin yung nakita ko last week
Punta ako sa Watsons. Wala rin.
Wala akong magawa! Kumain na muna ako sa food court tenen! Siomai!! :P
After ko kumain ng 20 orders ng siomai.
Naisip ko na kung anong gagawin ko magpapagupit pala ako!! Masyado ng mahaba yung gilid ng buhok ko!!!
Punta ako sa hairstylist ko.
“Hi sir!! Tagal mong hindi nakapunta ah!”
“kaya nga eh! Binaha kasi kami!”
“talaga sir? 2 buwan kayong binaha? Nakakaloka!”
Bwiset to ah.
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...