Agad kong tinawagan si Tita nang mapanuod ko ang nasa balita
“Tita! Tita!!! Manuod po kayo ng balita sa TV ngayon din!”
Pinanunuod ni tita ang balita, naririnig ko naman iyon. Umiiyak na ko baka mamaya makasama si Patricio dun, Lord sana wag po. Wag po please.
“Anak, wag kang magaalala di natin alam kung talagang ang eroplano nila yun, walang sinabing flight number, dibale tatawag ako sa kanila sige na” nanginginig na boses ni Tita habang kausap ko siya
Wala pa kasing 8 hours eh, kaya di pa namin sure kung yun nga ang sinasakyan ni Patricio! Di rin naman kasi sinabi ni Patricio. Pero natatakot ako, wag naman po talaga sana!
Naghintay ako mga 2 hours! Pero umalis na kami nila mama papuntang batangas, naghihintay parin ako ng update kay tita, napansin ni mama na malungkot ako
“Anak anong problema mo? Bat ka ganyan?”
“Eh kasi ma, natatakot ako”
“Bakit?”
“Eh kasi, may bumagsak na eroplano ngayon, papuntang Dubai? Eh kasi nga diba papuntang Dubai ngayong araw si Patricio, baka naman mamaya makasama siya ---“
“Shhhhh! Ano ba wag ka ngang nega! Si Vice na nagsasabi diba? Ang nega ay chaka! Kaya wag kang nega!!! Di siya kasama dun!”
“Eh panong hindi ako magiging nega? Sinabi sa balita na ni isa walang nakaligtas!” umiyak na ko ng umiyak! Itinigil muna ni mama ang sasakyan sa isang gasoline station para ibili ako ng tubig.
Hindi ko kayang mawala sakin si Patricio! Hindi ko kaya!! Hinding hindi! Iyak ako ng iyak habang nasa gasoline station kami, after naming magpagas eh dumiretso na kami ni mama sa batangas
Almost 10pm na ng makarating kami sa batangas, text ako ng text kay tita pero hindi naman siya nagrereply, nanunuod ako ng balita pero bakit walang masyadong balita tungkol dun! Ano ba naman yan! Walang kwentang tv.
Natulog na ko, hindi muna ako nakipagbonding sa mga pinsan ko, wala akong gana, wala ako sa mood, pinakain din ako ng lola ko pero hindi ako kumain, ang gusto ko, malaman kung anong nangyare kay Patricio? Kung ligtas ba siya o hindi!
“Stephen, wag kang magaalala ligtas iyon, maniwala ka”
“Lola di ko pa po alam eh, wala pa po akong update galing sa mommy niya”
“Hayaan mo isasama ko sa novena yan mamaya, kumain ka na sige na?”
“Sige po lola, wag na po, wala po talaga akong gana”
“Sige kung ayan ang gusto mo.”
Pumunta na ko sa kwarto ko dun, umiyak ako ng umiyak. Di ko talaga kakayanin kung iiwan ako nitong si Patricio dapat pala pinigilan ko na lang siyang umalis eh!!! para wala ng ganitong pangyayare.
Habang umiiyak ako, nag text si King
“Sis, okay ka lang ba? Sana di si Patricio yung andun sa news, wag kang magaalala ipagppray kita!”
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Teen FictionThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...