Chapter 34

4.4K 59 0
                                    

Patricio’s POV

“Tita pwede po bang makisabay sa inyo sa opening prod ng GGV niyo next week?” paalam ko kay Tita Vice

“Pat, check ko muna kung ano magiging opening prod ko next week ha? Alam ko keri mong sumayaw diba? Pwede kang mag back up dancer na lang! o kaya naman may boses ka naman ba? Mag back up singer ka na lang din!”

“Sige po tita, asahan ko po yan ah?”

“Sige text kita bukas, bukas ko pa malalaman eh!”

“Sige po, thank you po!!!”

“Sige kamusta mo ko sa mommy ha? Bye!”

“Bye!”

Ayun oh!!! Buti na lang! magagawa ko yung plano ko!!! Yes!! Matutuwa ka dito teptep!!!!

Tinawagan ko you ulit si Clarita pero hindi siya sumasagot! Ba naman to.

Tinawagan ko na lang yung isa si Jeanie ata yun?

“Hello?”

“Hello sino ito? Para saan ito?”

“Ayy ako po si Patricio”

“Ahhh si Jeanie ito, Pasensya ka na. Kase hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito.”

“Ah okay po. So is it okay If I just call you later or tomorrow or some other day?”

“I don’t think so”

Binaba ni Jeanie ang apple, este ang telepono. Galit ata sakin bakit? May sakit lang siguro.

Tinawagan ko yung last si Smile.

“Hello?”

“Hello sino to? Para saan ito?”

“TAMA NA ALAM KO NA YAN. HAHAHAHA”

“Ayy! Hahaha kaloka ka!!!”

“Uhmm ako si Patricio, friend nung member niyo na si teptep”

“Ahhh oo nakwento ka niya sakin!” habang sinasabi niya yun ay may halong kilig nakwkwento pala ako sa iba ni siopao :”””>

“Ahh gusto ko lang sabihin na mag GGV kayo next week, nireserve ko kayo ng 10 slots sa GGV”

“Ahh sige thank you!!! Ano nga pala full name mo?”

“Patricio Viceral Vasquez”

“What? Viceral? Kamag anak mo ba Vice?”

“Yup!”

“omygooood!!!! So lucky!!”

“Hahaha, uy pakikalat sa inyo ha? Kailangan kasama si teptep ha? Di kasi sumasagot si clarita sa tawag ko eh”

“Sige sige sasabihin ko sa kanila! See you!”

“Sige see you!”

Hay salamat!! Lord!! Sana po talaga matuloy itong plano ko!! Please!!! Maging successful lang!

Habang nasa kwarto ako, iniisip ko muna kung ano yung gagawin ko, pinagpplanuhan ko na agad next week Thursday pa naman yung ggv taping eh.

Biglang kumatok si mommy sa room.

“Patricio, nakausap mo na pala si Jose Marie eh.”

“Oo nga po!”

“Ano tong nasabi niya sakin nasasabay ka daw sa opening niya sa GGV?”

“Opo bakit di po pwede?”

“Kelan ba taping nun?”

“next week Thursday po”

“Ayun naman pala kinabukasan wala kang pasok”

Lalabas na sana si Mommy pero bigla akong nagsalita, sasabihin ko na para hindi na siya mabigla

“Ma may sasabihin po ako.”

“Ano yun anak?”

“Buntis po ako.”

“Sira ulo! Ano yun?”

“Mi, okay lang po ba na magmahal ako ng kaparehas ko?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“ang ibig ko pong sabihin, kung pwede po ba akong magmahal na kaparehas kong kasarian, pareho kong lalaki.

Nagulat si mama. Tinuloy ko yung sinasabi ko.

Ewan ko po kasi kung bakit ganito, nagkagirlfriends naman po ako diba? Pero bakit po ganun? Iba sa kanya eh, iba yung dating niya, iba talaga si kupido pumana mommy”

Natahimik lang si mommy, at huminga ng malalim.

“Alam mo anak, alam mo nung bata ka, inexpect ko na magiging bakla ka alam mo kung bakit? Kasi sa lahat ng kapatid mo babae, so baka maano mo yung environment nila, tinanong ko na rin yan sa daddy mo, ok lang naman din daw naman sakanya pero habang pinagmamasdan kitang lumalaki? Wala pala hindi pala ganun yung nangyari. Kaya anak, sa anong desisyon ang gawin mo sa buhay mo, susuportahan ka naming ng mga kapatid mo at ng daddy mo. Teka sino  ba ito.”

“Mommy si teptep po? Yung pinuntahan ko nung nastranded ako? Ewan ko po kung bakit ganun, nahulog na lang ako bigla.”

“Ahhh basta anak kung anong nasa puso mo sundin mo, basta alamin mo lang lagi ang limitasyon mo.”

“Opo mommy salamat po!”

Niyakap ko si mommy at napaiyak ako, salamat po lord binigyan niyo ako ng magulang na katulad nila.

“Oh magayos ka na! pupunta tayo sa SM Bacoor!”

“Bakit mommy?”

“Eh di bibili tayo ng mga susuotin mo sa GGV! Ano ka ba TV show yun!!!”

“Yehey! Thank you mommy!!!”

4pm na halos ng makapunta kami sa SM Bacoor, pinagshopping niya ko ng mga damit na susuotin ko sa GGV akala mo naman guest ako!! Hahaha. Binili ako ng Blazers, tshirt, skinny jeans at boots na shoes.

Nakauwi kami mag 9 na ng gabi nakakapagod ang dami kasing tao eh.  May pasok pa pala kami bukas!! Hahaha

Hindi ko parin pinapansin si teptep! Pero iba yung mukha niya ngayon! Maaliwalas parang … aba blooming to ah!! Baka dahil sakin :””> hahaha hopia. Pero iba ang mukha niya talaga, parang may nagbago di ko alam kung ano baka nagparetoke to. Hahahaha

Pinagmamasdan ko tong si teptep! Sobrang hyper!! Ang cute niya parang tanga sila nila King at Quincy! Nakakatuwang panuorin itong tatlong ito!

Natapos yung araw ko! Ang GV ko rin!! Hindi ako nagdota nung vacant! Good boy na ko fre!!!  Ang good vibes din kasi ni teppy eh :””> cutiepatootie sarap ilampaso ng mukha sa sobrang cute hahahaha.

Nagpaalam ako na umuwi na sa kanila. Pero nung nagbuhbye ako syempre hindi ko parin pinapansin itong si teptep!

Nasa bus na ko biglang may nagtext

“Pat! Okay na makakasama ka na sakin sa opening prod ko sa GGV! Punta ka sa GGV studion sa Thursday ng before 2pm ha?”

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon