Chapter 60

3.3K 59 15
                                    

Unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata,

“A-anong sabi mo?”

“6 weeks na akong buntis patricio, at 6 weeks na rin ang nakakalipas simula ang nangyari satin!”

“Hindi totoo yan!!! Hindi sakin yan!!”

“Sayo to!!! Patricio, kailangan mo kong panagutan! Malalagot ako sa daddy ko nito!!!”

Pinatayan ko ng phone si marhorie!! Hindi pwede, hindi yun akin!!!! Umiyak na lang ako at sinuntok ang pader namin. Sinuntok ko to ng sinuntok hanggang sa magdugo na ang aking kamao,

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!” sinuntok ko ang pader sa huling pagkakataon

Pumasok sa kwarto sila mommy at ate,

“Anak!! Ano ba yang ginagawa mo!!! Kunin niyo yung first aid dali!!! Ano bang nangyayare sayo ha?!!!”

Hindi na lang ako umimik, tinuloy ko parin ang pagiyak ko. Binalutan ni mommy ang kamay ko ng bandange, gusto ko ng mamatay!!! Sana hindi totoo ang mga sinasabi ni marhorie,

Pinainom ako ni mommy ng pampakalma at pampatulog. Sana pag gising ko hindi makalimutan ko ang lahat.

Kinabukasan, minulat ko ang aking mga mata, nakaramdam ako ng sakit, naramdaman ko ang sakit ng aking kamao.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh sakit!”  bumangon ako sa aking higaan at bumaba.

“Ano bang nangyayare sayo kagabi ha? Bakit mo pinagsusuntok yung pader mo sa kwarto ha?”

“Wala mommy”

“Anong wala, anak alam mong wala na sayo si teptep eh!! sana naman maka move on ka na rin! Siya nakamove on na!”

“Mommy, wala ako sa mood para pagalitan mo”

“Sinasabi ko lang yung totoo, anak wala na si teptep!! Wala na siya sa buhay mo!”

“OO ALAM KO!! AT WAG MO NG PAGDULDULAN YUN MOMMY! ANG SAKIT KASI EH!!! LALO NA SA NABABALITAAN KO!!! MOMMY PLEASE?! GUSTO KO NG MAGING MAAYOS ANG LAHAT KASI HIRAP NA HIRAP NA KO!!!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasigawan ko si mommy, umiyak na naman ako at naalala si teptep, hanggang ngayon siya parin, siya lang. umakyat ako sa kwarto ko, nagkulong ako dun buong araw. Habang naka tanga ako sa laptop ko, tinignan ko yung mga pictures naming ni teptep, yung first trip naming dalawa, yung HK Trip namin.

Nakita ko yung picture naming dalawa habang may fireworks display naalala ko yung kinwento niya pagkatapos ng fireworks display

“Patricio may kkwento ako”

“Ano yun”

“Alam mo ba? Nung huli akong pumunta dito, ayun yung panahon na nalaman ko na si mike na pala at nung girlfriend niya, tapos habang pinapanuod ko yung fireworks display nun umiiyak ako tapos nung natapos yung fireworks display alam mo yung may magic? Parang nawala lahat ng sakit sakin nun? At nagpromise ako sa sarili ko na babalik ako dito at pagbalik ko dito. KASAMA KO NA ANG TAONG MAMAHALIN KO HABANG BUHAY”

“So ako mamahalin mo habang buhay?”

“Oo mamahalin kita habang buhay! Mahal na mahal kita Patricio Viceral Vasquez!!!”

“I LOVE YOU TOO STEPHEN JAN VALENCIA!!!”

 

Sobrang miss na miss ko na si teptep, eto naman yung gusto niya eh, yung mawala na ko sa buhay niya, okay na rin to, para hindi na rin siya mahirapan. Iniiisa isa ko yung mga pictures naming, yung Thailand trip namin. Nakakamiss yung mga ngiti niya, yung mga tawa niya sobrang miss na miss ko na. sayang balak ko pa naman siya isurprise ng Paris trip eh, kaso wala. Wala ng PaTep :(

Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon