Patricio’s POV
Tuesday…
9am pasok naming ngayon, 1 buwan narin ang nakalipas simula nung pasukan medyo nakaclose ko na rin yung ibang lalaki at babae dito sa block naming, pero ang ginagawa ko lang talaga kausapin sila tungkol sa DOTA hahahaha!
NSTP time.
Ang boring! Wala akong magawa! Pinaguusapan kasi ng grupo naming OMEGA GRAPHICS ang gagawin para sa mga barangay nay an nako sila na bahala diyan hahaha.
May mapagtripan nga!
Ah eto si teptep pagttripan ko ulit hahahahaha.
Inaapakan ko yung sapatos niya!
“Ano ba? Tigilan mo nga yan!” sabi ni teptep habang nagsusulat ng mga kailangang gawin
Tinigilan ko ang unang tapak ko. At kaunting minuto tinapakan ko itong muli.
“ANO BA? MAY GINAGAWA OH WALA KA BANG SAPATOS. YAN APAKAN MO!”
Nagpoker face lang ako. Gusto ko ng humalakhak ng sobrang lakas dahil sa mukha niya nakakainis ang sarap at pisilin yung mukha niya sa sobrang cute niya mainis hahahahaha!!
Itinigil ko na ang pag apak sa sapatos ni teptep, natapos narin kaming gumawa ng mga kailangang gawin sa barangay na aming pupuntahan.
May kaunting oras pa katabi ko nga pala sa pabilog naming pwesto si popol, may gusto ata to sakin kasi kanina pa yumayapos!
Bawat yapos ni Popol ay tumitingin itong si teptep! May naisip ako!
“Patricio! Wag ka ngang ganyern ene be nemen” kilig na sabi ni Popol
Ginagawa ko kasi, niyayapos yapos ko na rin siya. Hay nako wala akong magawa di ko alam kung ano tong pinapasok ko!
Hanggang sa nagdismiss na ang instructor namin sa NSTP.
Nagayos na ko ng gamit ko dahil nga uwian nakita ko ring si teptep ay nagaayos ng mga gamit niya
“Tep! Sorry!” sabi kowith matching pouty lips and fish eye
“Ano ba umayos ka nga!” sabi niya, ang cute niya talaga hahahaha
“Teptep! Sorry na nga eh :”( “ habang naka pouty lips parin ako
“Oo na sige na! basta next time yang sapatos mo apakan mo ah!” sabi niya
“Okay boss! Hehehehe” sabi ko naman
“Hehehe” ang tanging narinig ko sa kanya.
Nang makalabas na ako ng campus naming sumakay na ko ng jeep papuntang Lawton at pagdating ko sa Lawton ay sumakay naman ako ng bus papunta sa amin. Natulog ako ng buong byahe! Mantakin niyo? Libre ako sa pamasahe tol! Hahahahaha pagdating ko diretso na ako agad sa kwarto ko at nag DOTA!
Inabot ako ng gabi sa kakaDOTA nakalimutan ko palang kumain,
Narinig kong may nag text sa cellphone ko.
Tinignan ko
Wala palang nag text, nag tweet lang
Ayy 5110 lang pala phone ko ang assumero ko..
Wag kayong mag alala papadalhan ako ng Daddy ko ng iPhone 5 wag kayong ganyan. Hahahaha pag nahawakan ko yung Lumia ko! Akala niyo Who U? hinde! Mainggit ka! Mainggit ka! Magpabili ka sa nanay mo bleh! Hahahaha
From: Clare
Hi babe, I miss you! <3
Huwow naman nag text pa to sakin, diba iniwan ako neto dahil payat ako! Konting panahon na lang tataba rin ako! Bwahahaha
Sabay tapon ng cellphone ko sa kama
Bumaba ako at tinanong si Mommy kung anong ulam
“Mommy anong ulam?”
"Huevos en rabo de mestiza” sabi ni Mommy
“ANO MA? ANONG KLASENG ULAM YAN?”
“itlog at kamatis” sabi ni mommy
“Dyusko naman mommy! Pinagod mo pa sarili mo magsearch!!!”
Lumabas na lang ako ng bahay at naglibot libot muna sa Village namin, pumunta muna ako sa court at nanuod ng basketball, nakita kong naglalaro si Romeo ng FEU.
“Pat! Sali ka samin!” sabi ni Terence
“Di ako pwede par! Meron ako eh” sabi ko
“Puta par? May regla ka na ngayon?” sabi ni Terence na gulat na gulat!
“Gago par, meron akong dalang pagkain! Nagugutom na ko!” sabi ko abnormal ata to eh hahaha
“Ah sige par! Laro muna kami ha?”
“Sige par! Good luck!”
Pagkatapos ko kumain ng Tapsilog, natulog na ko agad at maaga pa ang pasok ko bukas!
Pero hindi ako agad natulog binalikan ko muna ang mga nangyari ngayong araw isa na lang ulit ang sinabi ko.
“Ang cute niya.”
BINABASA MO ANG
Hindi Siya, Kundi Ako (Bromance) (Complete)
Novela JuvenilThe worst feeling when someone makes you special then suddenly leaves, and you have to act like you really don't care at all... Buhay ng isang freshman student sa FEU na nagkaroon ng feelings sa naging kaklase niya? Pano ito? parehas sila ng kasari...