>>Third Dream<<
______________________________________
______________________________________
______________________________________IRIS
Nandito ako ngayon sa dorm kasama si Zsaine,kumakain.
Tahimik lang at sobrang nakakabingi na talaga.Gusto ko naman kahit papaano mag-ingay sya ngayon para naman marelax yung utak ko at wag nang maging palaisipan sa akin yung narinig ko kanina.
Ish..
Ish..
Ish..
Hays...Nakakadugo na talaga ng brain cells.Mas madugo pa kaysa sa math.Nako naman.!
***
Pagkatapos naming kumain,dumiretso agad ako sa kwarto at pumikit ng madiin,baka sakaling makatulog ako.
***
"Ish!!"
Napatingin ako sa nagsalita.
Tumingin ako sa batang lalaking kumakaway sa batang babae.Napakunot ako ng noo.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Nasa...
Hilltop nanaman ako??WTH.!
"Tara larhu na tayu.Weee!!!^____^" batang babae na Ish daw ang sakanya.Short for Irish.
"Shigee!!Habulin mo ko!!"
"Waaah!!Ayan na ko!!"
Nakita ko nalang ang sarili kong nanunuod sa paghahabulan ngdalawang bulinggit na to.Ang saya nilang tignang dalawa.
Walang pinoproblema.
Bigla nalang umikot ang paligid ko at nagbago nanaman ang lugar kung nasaan ako.
Nasa isang itim na kastilyo ako.
Kastilyo nga ba??para kasi syang ganun.Kaso ang creepy.
Nasa isa ak9ng garden na itim ang lahat at walang halong kulay.Gabi at tanging mga ilaw na puti lang ang nagliliwanag sa langit.Ano nanaman ba to?
Kasabay ng mga ilaw na yun na halos kasibg liwanag kapag umaga ay malalakas na pagsabog na hindi ko alam kung saan nanggagaling pero nakakakilabot.
Tiningnan ko ulit ang kabuuan ng garden na ito at nakita ko yung batang lalaking busyng busy sa kakahabol sa weird butterfly dito.Itim na may halong pula na parang dugo.
Diba sya yung batang lalaki kanina na kalari ng batang babae sa hilltop?Bakit nandito sya?!
Nakita kong parang kinabahan sya.Bigla nalang syang nagtatakbo ng mabilis hindi ko alam kung saan nagpunta.
Umikot ang paligid ko at nasa tapat naman ako ngayon ng isang mataas na silid katabi ng batang lalaki na 'to na nag-aalangang buksan ito.
Hindi nya ako nakikita at ewan ko kung bakit.
Hinawakan na nya ang doorknob at pinihit ito dahan-dahan.Habang bumubukas ito ng paunti-unti,naririnig ko ang malalakas na pagsabog sa loob.
Sumilip sya dito at nakita ko ang mga mata nyang malapit nang labasan ng mga luha.Dahil hibdi naman nya ako nakikita,sumilip ako sa loob at...
O______O?
Mom??
Bakit nandito ang nanay ko pati si dad??May nagmamakaawang lalaki sa harap nila na naka itim na cloack at walang malay na babaeng nakahandusay sa sahig at naliligo ng sarili nyang dugo.Napatingin si mom at dad sa batang nakasilip sa pinto pero bago sya magsalita,umalis na sila.
Tumakbo sa loob yung bata at pinilit gisingin yung babae pero mukang patay na sya??
"MOOOOOOOMMMMMMMM!!!!!"
At bigla ko nalang nakita ang sarili ko sa kwarto ko,humahangos,pinagpapawisan ng malagkit at halos hindi makahinga.
Tinignan kong mabuti ang paligid.
Panaginip.
Isang nakakakilabot na panaginip nanaman ang lahat...
______________________________________
Vote or comment!!:)
~BLame31
BINABASA MO ANG
Fading Darkness
FantasyMeet Sassy. And join her face her twists inside the White Light Academy. #MakeTheDarknessFadeIntoTheLight