Chapter 4: Alden's POV

4.1K 181 17
                                    

" Pare, hindi ka pa ba uuwe? Baka hinihintay ka na ng Misis mo." Pabirong sabi ni Sam.

Nandito kasi kami sa Bar nang isa naming kaibigan na si Rafael. At pasado alas diyes na nang gabi pero tila wala pa rin akong balak umuwe. Ang boring kasi sa Condo, kung uuwe ako diba?

" Misis ka diyan." Napakunot-noo kong tugon kay Sam - ang pinakaalaskador kong barkada.

" O e bakit? Tama naman diba? You're married right now. At ang pagkakaalam ko, ang mga nasa ganyang stage mo, maaga nang umuuwe. Diba guys?" Baling pa nito sa dalawa ko pang tropang nandoon. Si Rafael at Jacob.

" Oo nga, Alden. Sam is right! Baka hinihintay ka na nang asawa mo." Dugtong naman ni Jacob na natatawa-tawa pa. Kahit kelan talaga 'tong mga to, kapag may napagtripan .. makikisang-ayon na lang.

" Pwede ba tigilan niyo nga ako. Para namang wala kayong alam sa plano ko." Sagot ko sa mga ito habang hawak ang kopitang may lamang alak.

" Sigurado ka ba talaga diyan sa plano mo?" Seryosong tanong ni Rafael - ang pinakaseryoso sa aming apat.

Oo. Siguradong-sigurado ako sa plano ko. Once I get my part from my family ay hihiwalayan ko rin agad si Maine. Yun lang naman talaga ang dahilan kung bakit pumayag akong magpakasal sa taong hindi ko naman gusto e. Isip-isip ko.

" Oo naman." Proud ko pang sagot.

" Bibitawan mo si Maine, Dude?" Tanong ni Jacob.

" O bakit? Gusto mo ba sayo na lang? You can date her if you want." Sagot ko dito.

" Dude naman o, oo mahilig ako sa chicks. Pero kapag pinakawalan mo 'tong si Maine.. baka magsisi ka. Ang ganda kaya niya." Si Jacob pa rin na parang amaze na amaze pa kay Maine kung makapag-describe. Psh. Si Jacob na likas na playboy sa aming apat na magbabarkada. Na wala nang ginawa kundi ang magpalit ng gf.

" Tama Bro, bakit hindi mo na lang pag-aralang mahalin si Maine? May yaman ka na, may jackpot ka pa?" Si Sam.

" Yah right! " Rafael agreed.

" Tigilan niyo nga ko. Alam niyo naman kung sinong gusto ko diba? At habang hinihintay ko yung parte ko sa parents ko, pag-aaralan ko muna kung paano ako mapapansin ni Lauren."

Yeah.

" Lauren na naman? Jusko naman Alden, asa ka pa don. E ni hindi ka nga niya kilala e." Jacob commented.

" Kaya nga pag-aaralan kung papaano niya ako mapapansin diba?" I replied. At desidido ako don.

Si Lauren kasi ang ultimate crush kong modelo. Ewan ko ba, unang kita ko pa lang kasi sa kanyang first TVC ay nabighani na ako dito. At gumawa talaga ako ng paraan para ma-meet siya in person.

Naalala ko pa ngang kinontak ko pa yung kaibigan kong photographer, nang minsang nagkaroon ng photoshoot si Lauren.

Yun nga lang, I didn't get the chance to talk with her. Mabilis kasing natapos ang photoshoot niya. At nagkasya na lang akong titigan siya habang nagphophotoshoot.

Pero naging masaya pa rin ako don.

" Well, goodluck sayo Bro. Pero alam mo, kung tutuusin maganda naman si Maine e. Bagay kayo." Sam commented na ikinabagot ko lang.

" Tama Bro, mas maganda pa siya kay Lauren." Jacob said.

" I don't ask for your opinion guys. Basta ang importante lang sakin ngayon ay ang makukuha kong parte, at si Lauren. That's it." Desidido kong tugon sa kanila.

" You mean, dedma mo na lang si Maine?" Rafael asked.

" Maine is just a props, you know it guys."

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon