Chapter 50: Be True to Yourself

3K 144 7
                                    

Katulad nga nang suggestion ni Jacob, ginawa ko ang lahat para mapansin at mapasaakin ang atensiyon ni Maine.

I bought huge teddy bear than Rafael bought for Maine.

Tapos binigyan ko na rin siya ng chocolates bouquet.

I don't know why I'm doing this to Maine pero may isang bagay lang na malinaw sa'ken. Yun ay ang mahigitan ko si Rafael and all of his effort to Maine. And by that.. maipapamukha ko kay Rafael na hindi siya uubra sa'kin!

At gagawin ko 'to hanggang sa sumuko siya at hanggang sa maisipan na lang niya na umalis na lang dito sa Bulacan. Na wala namang ibang ginawa kundi mang-asar at ipagmalaki ang 'napakaliit namang bagay na ginagawa niya. Tss.


Isang araw ay nagkataong kumpleto ang mga pinsan ni Maine sa may bakuran ng bahay.

Nagkayayaan silang mag-outing dahil na rin sa muling pagbabalik daw ni Kimpoy. Bago man lang daw ito bumalik ng Manila ay magkaroon naman sila ng bonding na hindi nila malilimutan.



At dahil nga ayoko nang umepal pa si Rafael na magbigay ng sarili niyang opinyon ay kaagad ko nang iprinisinta ang Rest House namin na malapit rin naman sa ilang resorts at 15 minutes na byahe lang naman mula sa bahay nina Maine.

Saka talagang gusto ko rin namang pumunta kami ni Maine doon e. Yun nga lang di ko naman inaasahan na talagang hindi kami makapupunta don ng kami lang dalawa. But its okay. As long as na kasama si Maine, masaya na ako.


So ang ending iyon ang napagkasunduan ng lahat.. Sa Rest House namin dito sa Bulacan ang naging official venue. Tss. Ako pa, malakas yata ako sa mga pinsan ni Maine. Haha!


Kasama namin sina Kuya Jose, Kuya Wally, Pao, Ate Ruby, Kuya Ryan, si Patricia na kaibigan rin ni Maine, si Ate Pauleen at ang pinakabatang pinsan ni Maine na si Clarence. And as usual mawawala ba naman si Kimpoy at Rafael? Ang sagabal ng taon?


Kung pwede nga lang wag na e. Diba?


Hindi nakasama ang family ni Maine dahil busy ang mga magulang ni Maine sa negosyo nila sa bayan, ganon rin si Ate Coleen na hindi rin sumama dahil wala daw maiiwan sa bahay nila. Mga 3 days kasi kami sa Rest House namin.

Si Dean naman na bunsong kapatid ni Maine ay nasa retreat nito sa school. Samantalang si Kuya Nikko naman na nakakatandang kapatid ni Maine ay may trabaho, and the same as to Ate Nikki.

So in that case, si Kimpoy at Rafael lang ang nakakaalam rito ng aming pagpapanggap bilang mag-asawa ni Maine.

So as part of pagpapanggap, iisang kwarto ang tutulugan namin mamaya ni Maine.

And why do I have this good feeling na masosolo ko siya mamaya? Na finally walang makakasagabal kahit na sino pa?

Argh! Alden. Throw that feeling, can you?


Sa mag-iisang linggo ko na rito sa Bulacan ay madalang ko nang tingnan ang cellphone ko. Saka ko lang naiisipan i-check iyon kung tatawag ako kay Jacob.

At ngayon napansin kong isang bar nalang yung signal.. at nagpapaalalang nandito nga pala ako sa mahina ang signal. Tss.

Pero kahit ganun pa man, napansin ko pa rin ang iilang mensahe sa'kin ngayong araw.

From Mommy at Daddy ang dalawa rito na nagsasabing mag-ingat na lang daw ako kung nasan man ako. Tinext ko lang sila kahapon na may inaayos lang ako kaya wala ako sa Manila. Di na ako nagbigay ng masyadong details at di ko na rin sinabi sa kanila kung nasaan talaga ako.


Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon