Chapter 38: RIGHT NOW!

3.1K 156 10
                                    

Ilang minuto mula nang nakaalis si Alden ay doon ko na tuluyang pinaglandas ang mga luha ko sa aking mga mata.

Ang sakit. Ang sakit marinig lahat ng yon kay Alden. Sana nilahat-lahat na lang niya noh. Baka kasi bukas meron pa e. Maganda na yung isang bagsakan na lang, para isang sakit na lang.


I hate you, Alden. Really hate you! Bakit kasi ikaw pa?


Mas naawa pa ako sa sarili ko ngayon dahil wala man lang akong mapagsabihan nang nararamdaman ko.




Malayo ang pamilya ko. At si Krisha lang naman ang kaibigan ko dito, pero hindi ko naman basta basta mahahagilap yon dahil sa hectic nitong schedule sa araw araw. At isa pa minsan ko na lang din siyang makausap online.



Dali-dali ko nang pinunasan ang mga luha ko. Nagmumukha na kasi akong tanga e.




Inubos ko ang mga oras ko sa pagmumukmok sa kwarto. Pinilit kong makatulog pero hindi ko alam kung magagawa ko pa ba iyon. Masyadong preoccupied ang isipan ko sa mga bagay na nangyare kanina. Masyado kong dinamdam lahat ng sinabi ni Alden.





Pero nagulat na lang ako nang mayamaya'y nagising ako. Nakatulog din pala ako kahit papaano. Malamang sa pagod nitong mga mata ko sa pag-iyak ay nakatulugan ko na rin.



Napatingin ako sa wrist watch ko at pasado alas nueve na nang gabi. Medyo matagal din pala akong nakatulog sa gitna nang pag-iisip ko.


Lumabas ako ng kwarto. Pinagmasdan ko ang paligid at wala akong bakas na makita doon na umuwe si Alden.




Wala pa rin siya. Pero anong oras na at bakit wala pa siya?




Hanggang sa makatapos akong kumain at natapos ko na lahat ng teleserye sa TV ay hindi pa rin siya dumarating.




He really is that mad at me.




Sabagay tinapat na rin naman niya ako e. Na hindi niya rin maaatim na makasama pa ako pagkatapos nang nangyare.




Kinaumagahan nang magising ako ay kaagad kong nilibot ang buong bahay.



Wala pa rin si Alden.




At kahit na may sama ako ng loob sa mga sinabi niya ay nag-aalala pa rin ako para dito. Magdamag siyang di umuwe. San kaya natulog yon? Magkasama ba sila ni Lauren? Tss. Bakit ang sakit sakit kapag naiisip ko ang pangalan ni Lauren?



Bandang alas diyes nang umaga nang biglang tumunog ang phone ko. Unknowm number ang tumatawag. Sino kaya ito?


" Hello?"

" Maine? Andiyan ka ba sa loob?" Isang pamilyar na boses. Hindi kaagad ako nakasagot. Di kasi ako sigurado kung tama ba ang nasa isip ko kung sino ang tumatawag.

" Si Rafael 'to. Andito ako sa labas ng Condo niyo. Pwede ba akong pumasok diyan sa loob?" Nang marinig kong si Rafael iyon ay gumaan ang loob ko. Harmless naman siya kaya pwede ko naman sigurong papasukin siya sa loob.



Dali-dali na akong nagtungo at pinagbuksan si Rafael ng pinto. Nandoon nga siya at nakatayo. Pagkakita niya sa akin ay bakas dito ang mukhang nag-aalala.


" Anong ginagawa mo dito?" I asked.

" Uhm. Just wanna check you kung okay ka lang?" May alam na ba siya sa nangyare?

" Pasok ka muna." Give way ko sa kanya.

" Uh.. Maine gusto sana kitang yayain na kumain sa labas. Diba sabi mo last time, next time?" Tanong niya nang makaupo sa couch.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon