Chapter 51: Falling Inlove

3.1K 149 13
                                    

Maine's POV

Gustuhin ko mang pigilan si Rafael na gawin ang panunuyo niya sa'ken ay hindi ko magawa. Aniya'y hayaan ko lang daw na gawin niya ang mga bagay na gusto niyang iparamdan sa'kin.

At oo, inamin niya muli sakin ang dati na niyang ipinagtapat mula pa noon huli kaming nagkausap sa Manila.

He really likes to show and let me feel that he really wants me. At ngayon daw na wala namang nag-uugnay talaga sa'men ni Alden ay gagawin na niya ang matagal niyang gustong gawin. Ang ligawan ako.

Tss. Eto na naman ako e. May manliligaw na naman akong ni kahit katiting wala pa rin akong maramdaman.

Pero naisip ko, bakit nga ba hindi ko hayaan ang sarili kong kilalanin pa si Rafael and by that baka sakaling lumipat itong nararamdaman ko kay Alden papunta kay Rafael. Is that even possible?

Lalo ngayon na palagi namang si Rafael ang mas pinipili kong samahan?

Pero hindi ko nga alam kung nakakabuti ba iyon o nakakasama dahil feeling ko'y nagkakainitan na rin silang dalawa ni Alden dahil sa kaniya-kaniyang ginagawa. Feeling ko tuloy kailangan ko nang i-pony ang buhok ko dahil baka sumasayad na sa lupa. Haha kidding!


As if manliligaw ko rin si Alden no. Pero hindi naman diba? Hmm

Buti na nga lang at hindi nakakahalata ang mga pinsan ko sa kinikilos ng dalawa e. Pero siyempre hindi naman pang-habambuhay ang lahat nang ito... kaya nagpapasya na rin akong sabihin sa mga pinsan ko ang totoo.

And I need to tell them the truth one of this days dahil hindi na rin ako mapanatag kapag nandyan si Alden.

Di nga ba talaga mapanatag, Meng?

O dahil mas naiinlove ka lang sa kanya dahil sa lahat ng ginagawa niya ngayon?

Tss.

Oo na! Oo na! Eto na naman yung kabilang parte ng utak ko e. Binubuko na naman ako e!

Yun naman talaga ang hindi mawaglit sa isipan ko e.


Yung mga tanong na,


Bakit hindi naman ito yung inexpect kong gagawin ni Alden para maging okay ulit kami? Bakit mas sumobra pa doon na hindi ko mapigilan ang sarili kong mas lalong mahulog sa kanya?

Sobrang iwas na nga ang ginagawa ko e! Pinagpapasalamat ko nga minsan na andiyan si Rafael o si Kimpoy, dahil sa kanila ... naiilayo ko kay Alden ang damdamin ko paminsan minsan.

Pero bakit sa tuwing nagpapakita siya ng pagkairita kapag kasama ko ang alinman sa dalawa ay nakikita ko sa mga mata niya ang galit? O tama ba ako dahil kung sa mas malinaw na salita ang gagamitin ko ay nahihimigan kong parang nagseselos siya kung makaasta kina Kimpoy lalo na kay Rafael?


Urgh Alden! Ano ba kasing plano mo? Pakilinawan naman kasi gusto kong malinawanagan as soon as possible bago pa lumalim ng lumalim itong nararamdaman ko at umasa na naman ako.


Hayy.


Kaya naman isang gabing pagkapasok niya sa kwarto namin dito sa Rest House ay hindi na ako nag-atubiling kausapin siya tungkol sa ginagawa niyang nagpapawindang sa isipan ko.


" Alden, tulog na sila?" Tanong ko muna bago sa main question ko.


" Yup. Ikaw inaantok ka na ba?" Tanong niya rin na nakatayo lang malapit sa kama. Iwas yung tingin niya na para bang may iniisip rin. First night namin dito sa Rest House na magkasama sa iisang kwarto. Natatandaan ko pa noong ayaw na ayaw ako nitong katabi pero anyare ngayon? Bakit parang mas okay na sa kanya ito ngayon? Dammit umaasa talaga ako!


Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon