Pasado alas nueve na nang umaga akong nagising. Nakatulog rin pala ako sa kakalaro ng Flappy Bird kagabi. Akalain mo yun.
Naalala ko kasing pagkatapos ko pa lang mag-shower kagabi ay inabutan ko nang tulog na tulog na itong si Alden. Tindi e noh?
At bilang mag-asawa na kami ay doon na rin ako nahiga sa King size bed na hinigaan ni Alden. Aba bakit ba, wala na naman akong ibang tutulugan kundi doon.
Kaya no choice. Saka malaman ko lang ba kung anong feeling nang may katabi pagtulog. Hekhek.
Napatingin ako sa may tagiliran ko at nakita kong tulog na tulog pa rin pala si Alden. Nakaharap ito sa gawi ko kaya naman kitang- kita ko kung gaano kahimbing pa rin ang tulog nito. At bigla akong natuwang pagmasdan siya.
Ang gwapo naman nito.
At ang isang nakakatuwa pa ay hindi mo mahahalata ngayon dito na may pagka-masama ang ugali nito, sa itsura nito ngayon. Ang amo lang kasi ng mukha nito kapag tulog. Yung tipong wala siyang kakayahang kumunot ang noo ngayon, katulad nang madalas kong nakikita dito parati.
Para tuloy siyang isang anghel na tulog na tulog ngayon sa paningin ko.
E ano kaya kung halikan ko siya?
Psst. Tumigil ka Meng. Sagot ng isipan ko.
Nga pala. Bawal ako ma-fall. Paano naman kasi, wala naman palang balak ang isang 'to na mahalin ako pagdating ng panahon. So baka umasa lang ako sa wala.
Di bale, ang mahalaga sakin siya ngayon.
At siguro, lulubos lubusin ko na lang yung panahong akin siya.
Oo attracted ako sa kanya. Pero tingin ko hanggang dun lang naman muna iyon. Nadismaya kasi ako sa iniisip pala nitong plano kaya nagawang magpakasal sa akin.
Pero sayang naman.
Okay lang yan Meng! Hindi ka rin naman talaga handa pa noong magpakasal kayo. I told to myself.
Pero wala ba talagang pag-asang magugustuhan niya ako? Tss. I should've not asking that question.
Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin pagmasdan si Alden, habang natutulog.
Ang gwapo e. Samantalahin ko na! Hekhek.
Pero tila yata kay lakas ng pakiramdam nito, kaya bigla itong nagmulat.
Bahagya pa itong nagulat at maging ako. Kaya maya-maya lang ay napabangon ito mula sa pagkakahiga.
" Anong ginagawa mo dito?!" Singhal nito sa akin.
Napabangon na rin ako.
" Ha? May amnesia ka ba at hindi mo natatandaang mag-asawa na tayo?" I spoked.
" That's not what I meant. Ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka sa tabi ko?" Irita niyang tanong.
" At bakit? Bawal?"
" Hindi ba tayo pwedeng magtabi? Hello! iisa lang kaya ang kama dito sa Condo'ng to." I added.
" What?!" Bulalas nito.
Tuluyan na tuloy itong napabangon.
" Argh! I better not to stay here." Maktol nitong nakapamewang.
" Bakit ayaw mo ba akong makasama?" Tanong ko rito habang nananatili akong nakaupo sa kama.
" Sige ka! Wala kang riches na makukuha! Sasabihin ko kina Tito Richard na hindi ka naman talaga willing dito sa arrangement nila."
And then he turn around, and gave me a death glared.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
Hayran KurguFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...