Chapter 17: Changes

3.6K 153 4
                                    

Maine's POV

Aaminin ko, nawala talaga yung badtrip ko kagabi na mismong dahil kay Alden, at siyempre siya na rin ang naging dahilan kung bakit nawala yung pagka-badtrip ko. Aba e mangulit ba naman diba? Sino ba naman ako para hindian ang tulad niya. E sa totoo lang e, madali naman talaga akong mapaamo ulit.

Lalo na kung tulad ni Alden ang magpapaamo. Oh my, Meng. Malala ka na.

Pero infairness ha? Anyare kaya don kagabi? Bakit may napansin akong ilang changes?

O di kaya talagang nakonsensiya lang siya dahil ipinagtabuyan niya ako sa sofa na matulog?

Hmm.

Pero kahit ganon pa man ang itatak ko sa isipan ko ay hindi ko pa rin naiwasang bigyan iyon ng kahulugan.

Hindi kaya importante na talaga kay Alden ang mararamdaman ko? Alden, ikaw ha.

O baka naman sadyang malisyosa lang talaga ako, kasi pati yung mga words na ipinanlaban niya sakin kagabi sa scrabble, e binigyan ko rin ng meaning?

Cute, Beautiful, Pretty, Gorgeous, Fantastic, Kind.

E diba description ko naman lahat yon?

Assuming lang teh?

Hay naku, nakakaloka.

Kaya naman naisipan ko na lang na bumangon na para makapagsimula na rin ako ng panibagong umaga. Woo! ( Regine)

Paglabas ko naman nang kwarto ay una kong sinulyapan ang sofa.

Teka, wala si Alden.

Pambihira, ang aga na naman yatang umalis.

Ganon ba ang may changes, Meng? Hay naku.

Nagdadabog tuloy akong nagtungo ng kusina.

I was about to enter on the kitchen nang bigla na lang akong may narinig na kumalansing na ewan ko ba pero parang tunog ng kutsara. Napapitlag tuloy ako at bahagyang nagulat.

May mumu ba dito?

At lalo pa akong tuluyang nagulat nang biglang umutlaw si Alden sa ilalim ng mesa kung saan nito kinuha yata ang nalaglag ngang kutsara.

Yung tipong gulat na gulat na talaga ako. Pero ni mahinang voice, walang nag-come out sakin. Shock e.

" O bakit parang nakakita ka nang sobrang gwapo diyan?" Sabi ni Alden pagkakita sa'ken.

Wow, hindi pwedeng multo muna. Gwapo agad? Assuming din to e noh.

" Anong ginagawa mo dito?" Gulat ko namang sagot.

" Ha? Bakit? Bawal ba ako dito? Ano pang ginagawa ko,e di kakain."

Ay taray, ni hindi man lang nagtatawag?

" Halika, kumain na tayo. Bumili ako ng pagkain sa labas. Nag-takeout ako sa Mcdo."

Yun naman pala Meng e.

At nakita ko ngang bagong bukas pa lang niya ang paper bag na may lamang pagkain na tinake out niya sa Mcdo.

At take note, para nga ito sa dalawang tao.

Jusko, may changes na nga ang bruho.

" Ano pang tinitigil mo diyan, kakaen ka ba?" Mayamaya ay tanong nito.

E kasi naman e hindi lang ako makapaniwala.

Siya bibili ng pagkain? Para sa aming dalawa?

Uy ha. Pwedeng mag-assume?

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon