" Mom?"
" Tita?"Halos magkasabay naming sambit ni Alden pagkakita kay Tita Jack. Gulat na gulat ito pagkakita sa amin at tila parang namutla pa yata sa nakita.
Kaagad ko tuloy binulungan si Alden.
" Alden, ibaba mo na ako."
" Tss. Istorbo." Bulong naman ni Alden kaya binatukan ko na nang mahina. Haha. Maka-istorbo parang kung sino lang ang pumasok sa eksena. Haha.Ibinaba nga ako ni Alden at kaagad kaming nagtungo sa kinatatayuan ni Tita Jack, habang inaayos ko ang tirante ng damit kong nalilis. Shet kahiya!
" O my god?! What are you? O my.. A-anong ibig sabihin nito?" Hindi magkanda-ugagang tanong ni Tita.
" Alden, what's the meaning of this!? How can you.. I-i mean what are you two-"
" Mom relax. Stay calm, okay. Naghehestirical ka na naman." Awat ni Alden rito habang hinahawakan sa magkabilang braso si Tita.
" Ano ba kasi ito? I caught you. You two are kissing each other. At anong ibig sabihin nito?! Bakit niyo ginagawa ang mga bagay na - hay naku, Alden take your shirts on, hindi ako-" Tila naghehestirical pa ring saad ni Tita pero kaagad ring pinutol ni Alden.
" Mom, I said relax. Bakit ba kasi hindi ka man lang kumatok? O kaya naman ay nagdoorbell, hindi naman sira yang doorbell ng Condo ah!" Natatawang sabi ni Alden sa nagiging reaksiyon pa rin ni Tita. Halinhinan pa kaming tinitingnan ni Tita kaya naman abot abot ang hiya ko. Shems naman.
" Pwede ba wag mo nga akong inililigaw sa usapan. Bakit nandito si Maine?" Baling nito sa akin. Pero ako'y tila napipi na. Shit I don't know what to say! Kahiya talaga! OMG.
" Mom, i-explain ko lang ang lahat kung magrerelax ka. Okay?"
" No! I can't believe this! Kasalanan ang ginagawa niyo! You have to marry her dahil sa ginagawa mo!" OMG NA TALAGA!
Hindi naman nabigla si Alden sa sinabi ni Tita.
" Mom, kahit hindi mo sabihin yan sakin, gagawin ko yan, okay?" Kalma nitong tugon. Na ikinagulat ni Tita ng bongga.
" What?!"
" Why Mom? Is there any problem with that?"
" Teka... e, uh.." Sagot ni Tita na nagpasya munang umupo para makapagrelax. Sumunod naman kami ni Alden sa couch para umupo na rin.
" At saka wala namang masama sa ginagawa namin ah? Ang masama e yung basta ka na lang pumasok, paano kung more than that pa yung nakita mo?"
Aba't nakuha pang mang-ganon ng lokong 'to. Inirapan ko tuloy.
" Alden wag mo nga akong pinagloloko. Hindi kita maintindihan." Mataas pa rin yung boses ni Tita pero medyo kalmado na.
" This is what you want right, Mom? Maine for me? And me for Maine?"
" Pero paanong-" Naguguluhan pa rin si Tita. Pero sa Alden ay nanatiling cool sa pag-eexplain.
" Well I must say, my mom is really a good match maker. Kasi oo Mom, na-inlove ako sa kanya. Satisfied with my explanation?"
Bahagyang napaawang muna ang labi ni Tita sa pagkarinig sa sinabing iyon ni Alden. Maging ako nga rin ay hindi ko alam na ganito kabilis sasabihin ni Alden ang lahat.
" R-really? I-i mean seriously? Pero- S-so that's why you two are doing that 'thing?" Medyo mahina nang tanong ni Tita.
Isang tango at ngiti lang ang isinagot doon ni Alden. Tumingin pa sakin si Tita, para siguro alamin kung totoo ba ang sinasabi ni Alden. Kaya nginitian ko na lang din ito. Sa mga oras kasing iyon ay wala pa ring lumabas na salita sa bibig ko. I'm still in shocked pa kaya and at the same time ay nahihiya kay Tita.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
Fiksi PenggemarFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...