Paglabas ni Ate Coleen galing kwarto ay kaagad akong nakaramdam ng kaba.And I don't know why!
Pero nitong mga nakaraang araw ay madalas ko rin namang maramdaman ang ganitong pakiramdam sa tuwing tatawagin ako ng isa sa miyembro ng pamilya at sasabihing may bisita ako.
But in the end, isa lang naman sa mga pinsan ko ang nagiging bisita ko.
At laging may isa sa parte ng pagkatao ko ang makakaramdam ng dissapointment.Tsk! Am I really expecting someone na alam ko namang imposibleng dalawin o bisitahin man lang ako? Pero bakit pa, Maine? Aasa ka na naman?
Imagine, two weeks! Two weeks buhat nang makauwe ako galing Manila ay hindi na nagparamdam talaga ang Alden na yon!
O ayan! Lumabas ang totoo tuloy na iniisip ko pa rin si Alden, after what he have done to me!
As if magpaparamdam pa ang gagong yun! Saka nagpalit talaga ako ng sim para makaiwas na rin sa kanila. Wala na rin akong pakialam kung anong kahinatnan nang ginawa kong pagsisinungaling. Hindi ko kasi maiwasang magkaroon ng sama ng loob sa nangyare.
Pero hindi ko alam kung bakit umaasa pa rin ako na may maririnig kay Alden, after what i have done for him? Bakit, Maine? Bakit!
Tss. Bakit ko pa kasi iniisip yon? Ako na rin naman talaga ang gustong lumayo na rin diba?
But anyway.
Kabado ako habang naglalakad patungong sala. Shit! Lagi na lang ganito.
Relax Maine. Wala siya dito! Imposible! Imposibleng habulin ka niya. Dahil paniguradong masayang - masaya yun ngayon dahil nakuha na niya ang pinaka-aasam asam niya!
Kaya please lang Maine. WAG KA NANG UMASA!
" Maine!" Narinig kong tawag sakin na nagmula sa sofa. Palagay ko'y nakita na ako nito pero hindi ko parin magawang tumingin dito ng diretso.
Boses lalaki iyon! And its sounds familiar!
But when I finally reach the sofa.....
I told you, Maine. He's not going to follow you here!
" Ki-kimpoy?!" May dissapointment ngunit bahagya rin akong nagulat nang makita ko ang aking bisita.
Si Kimpoy! Ang aking guy bestfriend noong highschool. Bukod kay Patty or Patricia ay ito ang isa rin sa lagi kong kasama noong highschool pa ako.
Malapit lang rin dito sa amin ang bahay nila kaya kami rin ang madalas na magkasabay na umuwe noon.
Yun nga lang noong nag-college na kami ay sa Manila na ito nagpatuloy ng pag-aaral at kaming dalawa na lang ni Patty ang naiwang magkasama.
" Maine! Grabe ha, mas gumanda ka yata ngayon!" Bungad ni Kimpoy na halatang amused na amused sa nakita.
Eschosera naman 'tong Kimpoy na 'to. Matagal na kaya!
" Talaga lang ha? At ikaw mas naging bolero ka pa lalo ngayon!" Pinilit kong pa-excite-tin din ang boses ko. Gusto kong pantayan ang excitement ni Kimpoy nang makita ako e.
" Grabe ka naman. Akala ko pa naman sasabihin mong mas gumawapo rin ako ngayon." Sabi nito na kaagad na umupo na rin sa sofa.
" Ay sorry naman.. hindi mo ako in-orient na yun naman pala ang gusto mong marinig kaya mo ako pinuri." I kidded.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanficFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...