Chapter 53: Let's Stop This

3.6K 168 16
                                    

Ilang minuto kaming parehas natagalan ni Alden sa pagtitig sa ceiling. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.


At wala ni isa man sa amin ang nangahas magsalita pagkatapos nang ginawa namin. Maging ako nga ay hindi ko rin alam kung anong gagawin at sasabihin ko pagkatapos nang aming naganap na halikan.

Tss. Bakit parang ang awkward banggitin?


Nag-kiss ba talaga kami?


Pwede bang pakisampal ako ngayon para matauhan ako kung nag-hallucinate lang ba ako?


Pero bakit ganito? Bakit damang dama ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Bakit hindi pa rin nakukuhang magrelax ng puso ko? Shit!

Pumikit ako ng mariin. Mukha pa rin ni Alden ang nakikita ko. Yung reaksiyon niya.. bago niya ako hinalikan at ang naging reaksiyon niya matapos niya akong halikan. Yun at yun lang.



At ang marahang pagdampi ng malambot niyang labi kanina into mine. Ugh!


It was my first kiss, you know!

At grabe lang talaga ang idinulot sa'king kilig nang mga sandaling iyon.

Alden was my first love at pati ba naman ang tronong first kiss kinuha niya na rin?

Hanggang kelan mo ipaparanas sa'kin Alden ang ganitong pakiramdam?


Ang sa una'y pakikiligin ka but in the end, he will left me hanging again.


At mas na-realize ko yun nang tumigil siyang bigla sa ginagawa niya kanina. Hindi naman sa gustong gusto kong mangyare iyon pero kasi aaminin ko sa sarili kong may naramdaman akong kirot sa aking dibdib.



Because why did he stop? Bakit tumigil siya at parang nakita ko sa reaksiyon niya kaninang hindi niya dapat ginawa yon?



Is he finally realizes that... he doesn't deserve my kiss at all? Or am I the one who doesn't deserve his kisses? Anoooo?



Why all of these questions are ruining my mind now?!



To think na mas lalo lang akong nakaramdam ng sakit nang wala man lang akong salitang narinig sa kanya pagkatapos niya akong lunurin sa kanyang mga halik.


Damn Alden! Kahit kelan talaga paasa ka!



At lalo lang akong nairita nang masulyapan ko siyang nakatulog na. Nak naman talaga nang ano o! Ganyan yan e!


Dahan dahan na lang tuloy akong tumagilid at tinalikuran ko na lang siya.


Saka ko na doon hindi na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

Luhang para saan ba 'to Maine?

Kasi bakit naman ganoon?

Anong ba kasing ibig sabihin nang mga sinabi niya kanina? At anong ibig sabihin din nitong bigla nalang niya akong hinalikan? At muntikan pang may mangyare?



Ano pinapaasa niya lang ba talaga ako?

Eto na ba yung sinasabi ni Rafael na pag-tatake advantage sakin ni Alden? Dahil alam niyang may nararamdaman ako para sa kanya?

Ano tinesting lang ba niya kung anong feeling na mahalikan ako? O talagang inalam lang niya kung gaano ba ako kabilis bibigay sa patibong niya?

Shit naman Alden, bakit ganon?

Pero bakit may isang parte ng pagkatao ko ang tumututol sa mga iniisip ko ngayon?

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon