Chapter 6: Sa Iyong Ngiti

3.6K 167 5
                                    

Sa mga sumunod na araw ay halos naging pare-pareho lang ang senaryo sa Condo.

Paano naman kasi, lagi na lang umaalis 'tong si Alden. Kulang na nga lang hindi na tuluyang umuwe e.

Hindi ko tuloy alam kung papaano ba ako gagawa ng move kung siya naman itong panay ang iwas na makasama ako sa bahay.

Tsk.

Di bale, mapapagod ka rin.

At nagkatotoo nga ang sinabi ko. Isang araw ay naabutan ko ito sa sala na nanunuod lang ng TV.

Aba himala! Wala yatang balak umalis.

Sa itsura kasi nito ay walang binabalak na lakad. Sitting pretty pa nga siya sa sofa e, habang seryosong nanunuod ng TV.

" Wala ka yatang lakad?" Panimula ko.

Pero hindi ito natinag at nananatiling nakapako ang mga mata sa panunuod.

" Alden?" Tawag ko sa pangalan niya. At nilaksan ko talaga yon. Parang bingi lang e.

At perfect! Lumingon ito sakin. Tas ang boring nang look. Always naman.

" Hindi ka aalis?" I asked.

" Bakit gusto mo bang umalis ako?" Masungit pa rin nitong bungad.

Tsk. Ang sweet noh?

" Nagtataka lang kasi ako e. Halos isang linggo kang may lakad."

Pero hindi na naman ito natinag at bumalik ang tingin sa TV.

Seriously? Para talaga siyang tuod kausapin. Isip-isip ko, na napairap pa ako ng bahagya.

Pero nilaliman ko pa rin ang pasensiya ko.

" Gusto mo?"

Maya-maya'y alok ko sa kanya ng ginawa kong Fries.

Pero since para siyang bingi, lumapit ako sa kanya at tumabi sa may sofa.

" Huy gusto mo ba? Masarap 'to. Ako ang gumawa." Alok ko pa rin.

Pero tiningnan lang nito ang hawak kong Fries. Saka muling bumaling sa TV.

Kakaubos ng pasensiya 'tong mokong na ito. In fairness.

Hindi sumagot kung ayaw o ano! Grr.

" Huy?! Tahimik ka lang ba talaga o tamad magsalita?" Medyo nainip ko nang sabi.

" Hindi ka ba talaga tatahimik? Alam mo kaya ayokong mag-stay dito e. Ang ingay mo!"

At nagulat naman ako sa sinabi niyang yon. Maingay daw ako? Di kaya.

" E anong gusto mo, parang Library 'tong Condo sa katahimikan nating dalawa?" I reacted.

" Why not? Kung ikaw naman yung kasama ko." He rolled his eyes.

" Aray naman Alden. Sakit nun ha. Talagang parang isinusumpa mo na ako ang kasama mo dito sa bahay. Dapat nga, itrato moko ng maayos e.. kasi kundi dahil sakin hindi ka bibigyan ng riches ng family mo." At ginantihan ko siya ng pag-irap.

" Kung gusto mong itrato kita ng maayos, manahimik ka okay?"

" E kung ayoko? Hindi kasi ako sanay ng tahimik ang paligid ko e." Pangungulit ko. Pero hindi na umubra kasi bumalik ang atensiyon niya sa TV.

" O ayan na, wag kang maingay." Tukoy nito sa hinihintay yatang palabas. Asar.

Isang interview sa palabas na CelebriTV ng isang sikat na modelo ang sunod na pinalabas, na nag-ngangalang Lauren Young.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon