Chapter 13: In Denial

3.2K 164 11
                                    

Alden's POV

E diba sabi ko hindi ko papayagang makapunta si Maine sa Party na sinasabi ni Mommy?

Pero ayun, hindi ako nagwagi.

Talagang gumawa pa rin si Mommy ng paraan para makasama si Maine.

Maaga niya kasing kinaon ito at doon na rin tumulog kina Mommy para daw makapag-prepared kinabukasan.

Seriously?

Kelangan talaga, may nakalaang araw para sa preparations nila para sa Party na yon?

Gaano ba naman kasi kahalaga ang party na iyon, at kailangan pang paghandaan ni Maine?

Tss. Si Mommy talaga. Igagaya pa sa kanyang kelangang posturang postura sa harap ng mga kamag-anak.

Paano na yan. Sira yung plano ko.

E sooner or later din naman, ay maghihiwalay kami ng babaeng ipinagkasundo niya sa akin.

Badtrip talaga 'tong si Mommy, kahit kelan.

Tss. Anyway, kay Sam na pala ako sumabay patungong ThanksGiving Party. Tinatamad naman kasi akong mag-drive ng kotse.

At dito ko na rin napiling sumabay dahil iisa naman ang way namin pauwe. Unlike kina Rafael na ibang ruta pa.

" Ano asan na raw sina Rafael at Jacob?" Tanong ni Sam maya-maya.

" On the way na raw. Magkita-kita na lang daw tayo sa Venue." Walang buhay kong sagot.

That's right. Kung saan may party andon ang tropa. Halos magkakakilala na rin kasi ang aming mga parents, mga bata pa lang kami.

" E bakit ba parang wala ka sa mood diyan at parang kinakabahan ka pa yata?" Napansin rin pala ni Sam iyon.

" Sam, andon kasi si Maine."

" Aba teka, kelan ka pa kinabahan dahil makikita mo si Maine? Don't tell me, tinamaan ka na." Tukso naman nito, na hindi na ako nanibago.

" Sira! Anong tinamaan ka diyan. Ibig kong sabihin, andon si Maine at makikilala siya ng ibang relatives namin."

" And so?"

" Sam naman, alam mo namang sooner or later.. mawawala na rin naman yung dahilan ng pagsasama namin ngayon. At ayokong makilala siya ng ibang mga pinsan ko. Mamaya niyan malaman pa ni Lauren. E alam mo namang connected yung family ko sa ibang relatives niya diba?" Pag-aalala ko. Yun naman nga kasi ang dahilan ko kung bakit ayaw kong makilala si Maine ng ibang relatives ko.

" Wow, Bro. Naisingit mo pa yan? Si Lauren talaga ang dahilan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sam.

" O bakit?"

" Tsk. Ewan ko ba sayo Bro, bulag ka ba?"

Huh?

" Ang ganda-ganda na ni Maine. Naghahanap ka pa ng iba." He commented.

Tsk. Eto na naman.

" Huh? Ewan ko sayo, ayan ka na naman e. Bilisan mo na nga lang magmaneho." Awat ko na lang sa kanya. Bago pa kung ano anong masabi nito.

At buti na nga lang hindi na lang umimik itong si Sam at umiling -iling na lang. At medyo binilisan na rin nitong magmaneho ng sasakyan.

Gabi ang event na yon kaya naman natitiyak kong maraming pupunta, at balita ko medyo sikat na rin daw ang pamangkin na ito ni Tita Fely sa side ng kanyang asawa.

Hmm sino kaya yon?

But anyway, ilang minuto pa nga ay nakarating na kami sa Event. Ginanap iyon sa isang hindi naman masyadong malaking gymnasium. Kumbaga sakto lang.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon