" Ano namang naramdaman mo nung inamin niya sayo na mahal ka niya?"
Biglang sumeryosong tanong ni Jacob habang tinititigan ako na para bang sinusuri na rin.
" W-wala. I-i didn't say anything." I answered.
" As in wala? Kahit what? Or really? Seriously Alden? Ganoon ka kawalang puso at ni hindi mo man lang siya sinagot?"
" Walang puso agad? Hindi ba pwedeng hindi lang ako nakapagsalita kasi na-shocked ako sa inamin niya?"
" Well. Ako kasi bro kapag may nagtatapat saking babae.. sinasagot ko naman."
" Anong sinasabi mo?"
" Sabi ko... ganon ba? So pwede na tayong mag-check-in?" Sabay hagalpak nito. Nak ng-- puro talaga 'to kalokohan.
" Asshole ka talaga!" Bwiset kong tugon dito.
" Ano ka ba pinapatawa lang kita, masyado ka kasing seryoso. Ano cheers?" Sabay taas nito sa basong hawak niya na may lamang alak.
Napailing na lang ako dito at saka ko itinaas ang baso ring hawak ko para makipag-cheers.
Gulong-gulo pa rin ang isipan ko. Yun bang may pumapasok sa isip ko na dapat kong gawin, pero hindi ko alam kung tama bang ganoon ang gawin ko. Susundin ko ba ang sinabi ni Jacob?
Shit! Konti na lang talaga mababaliw na yata ako.
" Pero hanga rin ako kay Maine ha, nagawa niyang aminin sayo yung feelings niya kahit na wala ka namang gusto sa kanya."
Maybe napuno na siguro siya sa lahat ng masasakit na sinabi ko sa kanya.
" Wala nga ba?" Sinulyapan ko si Jacob sa sunod niyang tanong na iyon at nakita kong nakangisi na ito.
Hindi ko alam pero tinamad akong sagutin si Jacob. Sa totoo lang ay hindi na rin ako makapag-isip nang tama ngayong gulong gulo ang isipan ko.
" Tssk. Malala---" Naputol si Jacob sa pagsasalita nang biglang sumulpot si Rafael sa table namin.
" Mga bro!"
Tss. Bati pa lang niya nababadtrip na ako. Ewan ko ba pero naaasar na ako sa pagmumukha niya ngayon. I don't think if it's about what happened nung nasa restaurant sila ni Maine, pero simula talaga nung nalaman kong may gusto siya kay Maine ay hindi ko na ito masyadong pinag-kakausap.. kahit na minsan kong ipinangako rito na tutulungan ko siya kay Maine. Na ang kapalit ay ang pagpepeke sana sa pregnancy ni Maine noon.
Pero di naman iyon natuloy e, so I guess wala rin naman akong utang sa kanya para tulungan pa rin siya kay Maine. Diba?
" O Rafael?" Si Jacob ang siyang bumati dito.
" Where's Sam?" Tanong ni Rafael na hindi naiwasang tagalan ako ng tingin.
Makatingin 'to.
" Naku Dude, hindi ko alam sa gagong yun. May dinedate yatang chicks e." Sagot pa rin ni Jacob.
" Talaga?" Pero mayamaya'y binalingan ulit ako nito.
" By the way Alden, anong balita kay Maine? Nasa Bulacan na nga ba siya?"
" Why don't you ask her?" Iritable kong sagot dito. Saka ko pinagtuunan ng pansing inumin ulit ang alak sa baso ko.
" Hindi ko naman kasi siya makontak e. Ikaw ba? Anong sabi ni Tita Jack?" Patuloy nito sa pagtatanong. At hindi ko na maiwasang lubusang mairita dito. Pake ba niya kung nasaan si Maine?
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
ФанфикFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...