" So ano nang gagawin natin ngayon?" Simulang tanong ko kay Alden pagka-alis na pagkaalis nina Tita Jack.
Pero sa halip na sumagot si Alden ay nananatili lang itong napapakuyom ang kamao, at halatang naiinis sa mga iniwang impormasyon sa amin nina Tita at Tito.
" Huy? Anong gagawin natin?" Pangungulit ko sa kanya. Na bigla naman itong napasinghal.
" Hindi ko alam! Badtrip naman o, ang unfair nila!" Naasar nitong turan habang nananatiling nakaupo lamang sa sofa.
" Hindi naman ako papayag na anakan mo 'ko, tas iiwan mo lang din naman ako. Mas unfair yon." Reak ko naman. Na siyang ikinabaling ni Alden sa akin ng kanyang atensiyon.
" Bakit sinabi ko bang aanakan kita? That was not the last thing na maiisip kong gawin no?" Irap nito.
O edi hindi.
" O e anong plano mo?" Tanong ko na lang. Na sunod-sunod naman itong napailing.
" Badtrip talaga! Badtrip!" He scoffed in anger.
" Tsk. Tsk. Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na, ayaw mo naman sakin?"
" At sa tingin mo ba kapag sinabi ko yun sa kanila, ibibigay ba lalo nila yung mana ko?" Galit nitong sabi sa harapan ko.
" E bakit kasi hindi ka na lang magtrabaho? Para hindi ka na umasa sa family mo?" I suggested.
" Ako? No way!" He scoffed again. Jusko, highblood na talaga.
" Alam mo ang tamad mo rin noh? Ang sarap kaya ng feeling na yung perang gagastusin mo e pinaghihirapan mo." I commented. Pero hindi yun umubra sa kanya.
" Well, I don't care. Ang mahalaga lang sakin ngayon ay kung papaano ko makukuha ang parte ko sa kanila. And I have to think a better solution on this." Mariing pahayag nito. O di ikaw na.
Napailing naman ako sa attitude nito.
Ang tamad lang. Ang gusto yata e kusa na lang bumabagsak ang pera sa kanya. Matindi 'to.
" Wait!" Tila maya maya ay may naisip itong idea, bigla kasi itong tumayo sa pagkakaupo at hinarap ako.
" What if, magpabuntis ka na lang sa iba? Tapos kunwari sakin yon. O diba?"
Huh? Is he totally that desperate?!
" What?! Anong palagay mo sakin, ganon kababang babae? Huy ha, ang genius mong mag-isip ha? E bakit hindi kaya ikaw na lang ang mambuntis ng iba noh?" Napa-beastmode kong sagot.
Aba teka. Baliw na yata talaga 'to e.
" E ikaw nga yung dapat mag-bear ng child e. Narinig mo naman yung sinabi ni Mommy diba? Once you got pregnant, pipirmahan na nila yung papers."
Nakuha pa nitong sumagot ng ganon?
" Hoy, lalaki. Yun ay kung anak mo yung dadalhin ko, diba? Nag-iisip ka ba talaga ha?" At saka ko ito pinaningkitan ng mata.
" E wala naman akong choice e." Katwiran nito. Ugok.
" At tsaka ako pa yung magtatake ng risk para sayo? Wow, swerte mo uy!" With matching babalu voice.
At pagkasabi ko niyon ay sunod sunod itong napailing.
Aba hindi naman talaga tama ang iniisip niya e. Desperado lang. Sarap pektusan, pramis!
" Sabihin mo na lang kasi na ayaw mo naman yung ganitong setup!" I commented again. Pero tila nakita ko na naman ang galit niyang reaksiyon.
Jusko, eto na naman ang dragon.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanfictionFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...