Chapter 5: Ang Masungit na si Alden

4.2K 186 5
                                    

Maine's POV

Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko sa kama. Napamulagat na rin ako at napatingin sa may kisame. Inikot-ikot ko pa ang aking paningin at sumunod ay kinapa ko na rin ang cellphone ko para tingnan ang oras.

8:00 am

Jusko, umaga na pala. Napasarap yata ako ng tulog.

Kaya nagpasya na rin akong bumangon, habang ginulo-gulo ko pa ang nakalugay kong buhok, at saka ito itinali.

At maya-maya naman ay napasulyap ako sa aking tabi.

Wala pa rin si Alden? Grabe naman talaga ang taong yun.

Ganoon na ba siya ka-aloof sa akin? At ni hindi na yata naisipang umuwe?

Napapailing tuloy akong umalis sa kama.

Nagdiretso naman ako sa kusina para doon mag-toothbrush. Pero bago pa ako nakadiretso sa may kusina ay may umagaw ng pansin ko sa may sala.

Parang may taong nakatalukbong ng kumot sa may sofa!

Teka nga, tao ba talaga? Feeling ko.

Hinawi ko muna ang kurtinang nakalagay sa bintana na malapit sa may sofa. At mula sa bintanang iyon ay pumasok ang sinag ng sikat na araw.

Saka ko naman biglang inalis ang kumot na nakatabon sa kung ano mang tinatabunan nito.

At tadaaa! Si Alden pala?! Naku lagooot.

Napakunot-noo ito at napatakip sa mata ang isang kamay. Nasinagan kasi ng araw. Haha.

Kasunod noon ay nagmulat ito ng mga mata at biglang napabangon mula sa pagkakahiga.

At tulad ng inaasahan ko. Isang death glared sa akin ang ginawa nito. Yay!

" Ano bang problema mo ha? Can't you see I'm sleeping?" Asik nito.

" E hindi naman talaga kita nakita e." Napangiwi kong saad.

Pero sa halip na sagutin niya iyon ay inirapan lang ako nito at tumayo.

" Bakit kasi dito ka natulog? May kama naman ah!" Habol ko sa kanya habang naglalakad ito patungong kwarto. Pero nang sagutin ako nito ay tumigil ito at hinarap ako.

" E ano bang pakialam mo kung diyan ko gustong matulog? Besides, nandon ka sa kama. Paano ako makakatulog ng maayos don?" Irita nitong sabi.

" Nung isa gabi nga, nagtabi tayo diba?" Reak ko naman. Ang arte lang kasi nito.

" Ewan ko sayo. Ang bagal mong maka-gets!" Sabay alis nito at nagtungo na sa kwarto. Pero mabilis ko naman itong sinundan.

" Uy grabe ka naman. Ayaw mo ba talaga akong katabi? Bakit? Hindi naman ako malikot matulog ah?"

" Bakit sinabi ko bang malikot ka?" At lalo pa ako nitong sinamaan ng tingin.

" E bakit nga ayaw mo 'kong makatabi?" Bakit nga kaya?

" E sa ayaw ko e."

" Bakit? Never ka pa bang nakaranas na tumabi sa isang babae sa iisang kama?" Panghuhuli ko dito. Baka virgin pa. Hihihi.

At naging dahilan iyon ng pagkunot muli ng noo niya.

" At sino ka naman para sagutin ko ang tanong na yan?" Pero as always, wala pa rin akong makuhang matinong sagot.

" Asawa mo!" I blurted out.

" Yeah in papers. At dun lang yon." Boring nitong sagot.

Aw.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon