Isang araw matapos kong malaman ang tungkol kay Lauren at kay Alden ay naging pino lang ang pakikitungo ko kay Alden.
Masaya siya, habang ako naman ay napipilitan lang na mangiti na lang sa mga sinasabi niya about Lauren and him. Ni hindi niya man lang nahahalata na hindi ako interesado sa mga kwento niya tungkol don. Minsan nga di ko na lang siya kinakausap e.
Pero talagang may time na hindi maiwasan na maipakita niya ang excitement niya sa akin, patungkol sa nalalapit nilang date. Tss.
Tapos palagi pa siyang high kapag mag-kwekwento. Ewan ko ba dun, naturukan yata ng pampasobra sa pagkamanhid at hindi maramdaman na hindi naman ako masaya sa kinukwento niya.
Yung tipong magkwekwento siya sa'ken tapos ako natutulala lang.. E hindi niya pa rin mahalatang di ko nagugustuhan ang kwento niya. Parang shunga no? Sarap bigwasan! Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya 'to.
Pero siyempre alam ko namang mapapahiya lang ako.
" Maine.. Aalis lang ako saglit ha, libre ko lang ang tropa. 'Lam mo na." Paalam niya kinagabihan.
Nabanggit rin kasi niya sakin na kinakantyawan daw siya ng tropa niya na manlibre kasi nga sa wakas... napansin na siya ni Lauren.
Nginitian ko na lang siya ng pilit at tinanguan. Saka ito ganadong lumabas ng pintuan ng Condo.
Hayy. :(
Naiwan akong tulala sa couch. Ang hirap pala nang ganito.
Yung may mahal ka, pero kahit minsan naman di sumagi sa isip mo na mamahalin ka rin niya pabalik.
Yung sa halip na pag-aralan kang mahalin e ibabaling na lang sa iba ang atensiyon dahil yun ang mas gusto nilang gawin.
Bakit kasi ang dami namang lalaki diyan at marami namang nagparamdam sa'ken noon, pero kay Alden pa ako tinamaan?
Kay Alden na hindi man lang napapansin ang isang tulad ko. Si Alden na may mahal nang iba. Si Alden na puro Lauren na lang ang bukambibig lately.
At si Alden na kahit minsan hindi naman ako pag-aaksayahan ng oras para mahalin. Saklap!
Tumayo ako at nagtungo sa whole body na salamin sa may malapit sa TV. Pinagmasdan ko doon ang sarili ko.
"Maganda naman ako a!"
Pinilit kong ngumiti.. pero nakikita kong malayong malayo ito sa reaksiyon ng mata ko. Malungkot... At halata ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ba iyon nakikita ni Alden?
Ano kayang kulang sakin? Masyado ba akong maliit? Pangit ba yung buhok ko? Flat chested ba ako?
Ugh. Di ko na alam. Bakit ngayon lang ako naging negative sa sarili ko? Bakit ako nagkakaganito? Shit talaga!
Uupo na sana ulit ako ng couch nang may biglang kumatok sa pinto. Nawala ang mga iniisip ko kanina lang.
May nakalimutan ba si Alden?
Binuksan ko iyon at nagulat ako nang makita ang presensiya ni Tita Jack.
Anong ginagawa niya dito ngayong alas otso na nang gabi?
" Mo--mommy?"
" O Maine? Bakit para kang nakakita ng multo?" Nakangiti ito nang sumalubong sakin. Nag-bless pa rin ako at nakuhang makipag-beso. Pero ewan ko ba biglang bumilis ang pintig ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanfictionFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...